^

PSN Showbiz

Saab Magalona binantaang papatayin dahil kay Justin Bieber

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mamayang gabi na ang concert ni Justin Bieber at worried ang mga nakabili ng ticket na baka umulan dahil sa open grounds ng Mall of Asia gagawin ang concert. Bale ba, sabi ng PAGASA, 60 percent na baka umulan.

Kabilang sa maraming manonood sina Kris Aquino at ang mga anak na sina Joshua at Baby James. Manonood din si Angelo Perez, kapatid ni AJ Perez gaya nang ipinangako ni Noel Ferrer sa tulong ng Smart at TV5.

Excited na ang lahat ng mga fans ni Justin at nag-tweet na rin ito ng “Mahal ko kayo.” This time, hindi na siya magkakamali sa na-shout out niyang “Hello Manila!”

Samantala, inaaway ng mga fans ni JB si Saab Magalona dahil lang na-tweet nitong siya ang napi­ling kunin at paakyatin sa stage sa One Less Lonely Girl number nito.

Minura at may death threat ang young actress at inakala pang nagbayad para siya ang mapili pero lumalaban si Saab para sa kanyang mga bullies.

Ara Mina naiinggit sa career ni Cristine kaya lumipat na rin sa viva

Naimbitahan kami sa interview kay Ara Mina sa Viva Entertainment office kahapon at ang sabi sa invite, “Ang pagbabalik ni Ara sa Viva after 16 years.”

Tama ba ang basa namin na ang Viva na uli ang magma-manage ng career ng aktres?

Si Dondon Monteverde ang alam naming manager ni Ara for the longest time.

Anyway, sa interview namin malalaman ang totoo sa bagay na ito. Sinundan lang ni Ara ang kapatid na si Cristine Reyes na ang Viva Artist Agency ni Veronique del Rosario-Corpus ang nagma-manage at nakikita siguro na maganda ang takbo ng career ng kapatid, kaya sumunod na sa Viva.

Sa pagpasok ni Ara sa Viva Entertainment, hindi kami magugulat kung ang Viva Records na rin ang mag-release ng kanyang bagong album.

Gloria Romero naiyak sa tribute

Naiyak si Ms. Gloria Romero sa tribute na ginawa ng Showbiz Central sa kanya last Sunday. Akala kasi ng veteran actress ay magpo-promote lang siya ng Munting Heredera, kaya laking gulat dahil nag-effort ang staff ng show na interbyuhin ang mga friends, ang anak na si Maritess Gutierrez, at ang apong si Chris Gutierrez.

Nabanggit ni Ms. Gloria na plano niyang mag-retire sa showbiz when she turns 80 years old, 77 years old na siya ngayon at ang pagreretiro ang isa sa mga rason kung bakit niya tinanggap ang offer ng GMA 7.

“Gusto ko bago ako mag-retire, makapag-work ako sa iba’t ibang network with the blessings of ABS-CBN. Hindi na lang ako Kapamilya ngayon, Kapuso na rin,” sabi nito.

Binanggit din ni Ms. Gloria na pina-pamper siya sa set ng Munting Heredera at naninibago siya. Hindi siya sanay sa ganoong trato.

Nagpasalamat ito sa warm welcome sa kanya ng lahat at special mention si Direk Maryo J. delos Reyes, director ng family drama soap na genius director para sa kanya.

Mga lalaki sa Amaya bawal mag-suot ng briefs, Direk Mac nagagalit

Tsika ni Dinno Erece na bumisita sa taping ng Amaya sa Subic, walang suot na underwear ang karamihan sa male cast at diretsong bahag ang kanilang suot.

Noong una, gustong magsuot ng underwear ang male cast bago ang bahag, pero nagalit si Direk Mac Alejandre at baka nga naman makita ang mga suot nilang briefs sa kanilang mga eksena.

Hindi rin confident maghubad at nakabahag lang noong una sina Gardo Versoza at Daniel Fernando pero nang pinaghubad ang dalawa, maganda ang rehistro. Hindi nagka-problema si Direk Mac kina AJ Dee at Rob Sy dahil umoo agad ang dalawa nang sabihing maghubad at bahag lang ang isusuot nila, saka lang nagsunurang maghubad ang iba.

    Kaya patas ang labanan sa male at female cast dahil kung topless ang mga babae, wala namang underwear ang mga lalaki.

May 30 na ang grand premiere ng Amaya na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

AMAYA

ARA MINA

DIREK MAC

GLORIA ROMERO

MS. GLORIA

MUNTING HEREDERA

SIYA

VIVA

VIVA ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with