Ang tarush ni
Jinkee Pacquiao
. Trending siya since Sunday night sa Twitter (Philippines).
Expected na nga naman ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Sugar Shane Mosley at boring ang naging laban kaya si Jinkee ang pinagpiyestahan.
At ang isang pinag-interesang kalkalin ng mga nanonood ay ang kanyang yellow diamond earrings. Would you believe, P7 million daw ang halaga ng nasabing hikaw na suot nito sa laban ng kanyang mister last May 7 sa MGM Grand Arena?
Ewan ko naman kung saan nanggaling ang nasabing halaga na pinag-uusapan sa Twitter.
Pero kelan ba naman nagsuot ng mumurahin si Jinkee eh ang bag niya nga more than P1 million na ang halaga, hikaw pa kaya?
Samantala, ang girlfriend ni Mosley na si Bella Gonzales ay nag-trending din during the fight. Ang rason naman : wala raw kasing hikaw si Bella at kung hindi raw na-KO ni Pacman si Mosley, si Bella, KO kay Jinkee. Hahaha.
Anyway, kung P7 million man ang halaga ng hikaw ni Jinkee, okey lang naman. Kahit na sinasabing ang katapat ng P7 million ay libu-libong pamilya na mabibigyan ng maliit na bahay. Pinaghihirapan naman ni Manny ang nasabing mga datung.
Bag na gusto ni mommy D. simbolo ng kayamanan
Sure na rin si Mommy Dionisia sa kanyang Hermes Birkin bag pagdating sa Sabado nina Manny at Jinkee. Nagkakahalaga raw ang bag ng $150,000. Ang nasabing bag ay named after actress and singer Jane Birkin na ang kuwento : Hermes chief executive Jean-Louis Dumas designed ang nasabing bag para sa actress-singer pagkatapos silang magkasabay sa flight from Paris to London noong 1981.
Birkin’s straw bag accidentally opened daw at nahulog sa sahig ng eroplano ang lahat ng mga nakalagay sa bag nito. Kaya nagreklamo ito kay Dumas na hindi siya makakuha ng leather traveling bag that was to her liking.
Ayun, kaya nag-design ang chief executive ng Hermes ng bag especially for Birkin na later he named the line after her.
Dumating sa puntong a Birkin purse ay naging simbolo ng wealth and fashion elegance. A Birkin is crafted from the hide of a calf, ostrich, crocodile or lizard.
At ito ang gusto ni Mommy D sa kanyang birthday, isang bag na sumisimbolo ng yaman at fashion elegance.
Sosyal.
Harapan humataw din sa twitter
Nag-trending sa Twitter (Philippines) ang Harapan ng ABS-CBN last Sunday night.
RH Bill ang pinag-debatehan. Nagharap ang mga anti at pro RH Bill.
Nagkaroon ng ‘plugging’ ang nasabing debate show ng Kapamilya Network sa simbahan last Sunday.
Sa Manila Cathedral, nag-adviced ang priest na panoorin ang nasabing debate na sadly ay nakatulugan kong panoorin.
May website ba para mabasa ang kabuuan ng RH Bill na kinokontra ng simbahang Katoliko ang pagsasabatas dahil ayon sa pari sa Manila Cathedral, ito ay isang parang basket na puno ng tomato na ang iba ay bulok naman. Na once na ang isang basket daw ay may kasamang bulok, ang magagandang klase ng tomato, natural mabubulok din sa kalaunan.
Marami nang artistang pabor dito pero sana bago tayo magbigay ng stand, basahin muna nating maigi.
louise ipinakilala na ni enzo sa mga magulang
Ipinakilala na pala ng young actor na si Enzo Pineda si Louise Delos Reyes sa kanyang mga magulang. Yup, kahit sinasabi ng Kapuso young actress na hindi pa naman sila. At nasa middle pa lang ang kanilang relasyon.
Si Enzo ay anak ng manager ni Manny Pacquiao na si Eric Pineda.
At kung naipakilala na siya, naipakilala na rin daw niya sa kanyang parents ang young actor.
Kaya lang kahit ok na sila at halata naman kay Louise na kinikilig siya pag si Enzo ang pinag-uusapan, hindi pa rin sila ang magkatambal sa pelikulang gagawin ng young actress na Tween Hearts The Movie.
Ang ka-partner niya rin sa magtatapos na Alakdana na si Alden Richards ang partner niya sa pelikula ng GMA Films and Regal Films.
Samantala, 18 years old na siya sa September 1 pero walang planong malaking debut party si Louise. Mas gusto raw niya ang trip abroad. Nauna na siyang nakabili ng brand new car na almost P1.5 million na kino-consider niyang maagang birthday gift sa sarili.
“Gusto ko po, pag ok na ang Japan, pupunta ako. Sa Korea or sa Malaysia,” sabi ng bagets.
Hindi pa raw siya nakaka-travel abroad kasi.
Anyway, ending sa Friday ang Alakdana. Excited na siya dahil marami pa raw mangyayari sa kuwento nito kung saan naglunsad sa kanya bilang solo star.
At kahit nag-aartista si Louise hindi naman niya kinalilimutan ang pag-aaral. Regular student siya sa Lyceum of the Philippines at 3rd year na siya sa darating na pasukan.
Paulo Coelho natuwa sa panalo ni Pacman
Pati ang sikat na writer na Paulo Coelho ay bumati sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Sugar Shane Mosley. Say niya sa kanyang twitter account : “Congratulations Filipinos! Pacquiao rules.”
Kilala ang Brazilian novelist and lyricist ng mga Pinoy dahil sa librong The Alchemist.
Taong 1982 nang unang magsulat si Coelho ng Hell Archives.