^

PSN Showbiz

Action star na-in love sa Gumiho

-

MANILA, Philippines - Mapanganib, mapanlinlang, at nakakatakot.

Iyan ang madalas na gamiting pantukoy sa isang Gumiho. Ayon sa mga alamat sa Korea, ang Gumiho ay isang fox na may siyam na buntot, nag-aanyong babae at nang-aakit ng mga kalalakihan para kainin ang kanilang mga atay.

Nakagigimbal man pakinggan para sa ilan, totoo nga kaya na sila ay dapat katakutan?

Iba ang pananaw nang nangangarap na maging action star na si Cha Dae Woong (Lee Sung Ki) dahil matapos makaharap ang isang gumiho ay tila hindi atay, kung hindi puso ang nakuha sa kanya.

Kiligin na sa naiibang love story sa pagitan ng tao at isang gumiho sa Korea­novela hit ng 2010 na My Girlfriend is a Gumiho simula ngayong Lunes (May 9) sa ABS-CBN.

Matapos isumpa at ikulong sa isang painting, hindi sinasadyang mapapakawalan ni Dae Woong si Gu Miho (Shin Min Ah), isang gumiho na walang ibang hinangad kung hindi maging isang normal na tao. Dala ng takot sa bumungad na nilalang sa kanyang harapan kaya kumaripas ng takbo ang binata na naging dahilan ng pagkahulog niya sa riverbanks. Malalagay sa alanganin ang kanyang buhay at ibibigay ni Miho ang kanyang bead o pinagmumulan ng lakas para mabuhay ito.

Bilang kapalit, hihilingin nang nag-anyong babaeng gumiho na tulungan siya ni Dae Woong na alagaan muna ang bead nito at sa loob ng 100 araw ay maging kasintahan niya.

Papayag ang binata dala ng utang na loob pero ang tunay palang dahilan ni Miho ay upang maging ganap na siyang tao. Lingid sa kaalaman ng dalawa na sa katapusan ng 100 na araw ay buhay pala ni Dae Woong ang kapalit upang tuluyang maging tao ang dalaga.

Hanggang saan ang kayang gawin ni Mi Ho para matupad ang pangarap na tuluyang maging tao? 

Simula na ng My Girlfriend is a Gumiho ngayong Lunes (May 9), 4:45 PM pagkatapos ng Frijolito.

CHA DAE WOONG

DAE WOONG

GU MIHO

GUMIHO

ISANG

LEE SUNG KI

MI HO

MIHO

MY GIRLFRIEND

SHIN MIN AH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with