Inamin ni Direk Olive Lamasan na fulfilled siya pagkatapos niyang gawin ang In The Name of Love dahil nalusutan nila ang mga hirap na tiniis habang ginagawa ang pelikula. May pagkakataong apat na oras lang ang tulog nila para matapos ang ilang eksena sa loob ng limang araw.
Samantala, natanong si Angel Locsin kung ano ang gagawin niya ‘In The Name Of Love.’ Sinabi nito na kapag talagang mahal niya ang isang tao hindi na niya kailangang mag-isip pa.
“Pero sa ngayon, sobrang maaga pa dahil naka-concentrate pa rin ako sa aking career. Pero kapag natagpuan ko na ang tunay na pag-ibig, payag na akong pakasal sa kanya,” sey nito.
Magbubukas ang pelikula sa 150 theaters sa May 11 at ika-18th anniversary offering ito ng Star Cinema.
Jake, nahasa sa pag-arte
Isang malaking rebelasyon si Jake Cuenca sa pelikula kung saan humanga sa kanya si Direk Olive Lamasan. Nahasa ang acting ng aktor at malaki ang nabago sa kanyang pananalita, pananamit para maging realistiko ang pagganap bilang si Dylan Evelino na magiging kaagaw sa pag-ibig ni Aga Muhlach kay Angel Locsin.
“I’m lucky kasi pelikula ito nina Aga, Angel at ang director pa ay si Olive Lamasan. Alam ko na hindi ito magiging madali para sa akin. I knew from the beginning, magbabago ako rito bilang ako. Kaya sobra ang pasasalamat ko sa Star Cinema,” sabi ni Jake.