PIK : Nasa Hawaii pa si Dennis Trillo para sa isang event ng GMA Pinoy TV kasama si Iza Calzado.
Bago umalis ay hiningan ito ng mensahe para sa birthday ng ex niyang si Jennylyn Mercado. Babatiin na lang daw niya pag nagkita silang dalawa.
Kagabi naman ang birthday concert ni Jennylyn sa Zirkoh Morato titled Coming From the Rain.
Ayon sa aktres, okay na siya at tapos na raw ang bagyong pinagdaanan niya sa tulong ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Iniiwasan pa rin ni Jennylyn na sagutin ang isyu tungkol sa kanila ni Dennis. Basta okay na raw siya at kailangan daw niyang magpakatibay dahil gusto na niyang mag-focus sa trabaho at sa kanyang anak.
PAK : Isa si Frencheska Farr sa napasama sa listahan ng Cosmopolitan Magazine bilang Fun, Fearless Females 2011.
Sa awarding na ginanap sa East Richmonde Hotel nung nakaraang Huwebes, tinanong si Frencheska kung may boyfriend na ba ito ngayon.
Mabilis ang sagot niyang wala pa rin. Pero meron daw siyang crush pero hindi raw niya kilala dahil taga-ABS-CBN 2 daw ito.
Nakita lang daw niya sa Mula sa Puso. Si JM de Guzman pala ang tinutukoy niya.
Sinabihan naming mas matangkad pa yata siya kay JM.
“Ay! Hanggang crush na lang po siya kung ganun hehehe!” buwelta nito sa amin.
BOOM : Marami ang nagdududang photoshopped ang litrato ni Rich Asuncion na nasa cover ng bagong isyu ng FHM.
Ang puti raw kasi ni Rich sa pictorial nito kaya parang niretoke raw ito dahil kayumanggi naman talaga ito.
Pero tinitiyak ng mga taga-FHM na walang niretoke sa pictorial na iyun. Kahit sila ay nagulat mismo dahil ang laki raw nang ipinuti ni Rich.
Ang duda ng karamihan nag-glutathione ito kaya kaya naging ganun ito kaputi.
Malaki naman talaga ang iginanda ni Rich!
Sey ng mga bading, mukhang kinakarir nito ang pagpapaganda at pagpapaputi para maging kasing puti ni Kylie Padilla.