^

PSN Showbiz

Charice sinusulat na ang kanta para kay Sarah!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Isang buwang magbabakasyon si Sarah Geronimo.

Ang rason : Mag-aaral siya sa Amerika.

Ano naman ang pag-aaralan niya?

“Voice and dance lessons po,” maikling sagot ng Pop Princess kahapon sa launching ng kanyang latest album na One Heart under Viva Records na ilalabas sa market sa May 13 pa pero marami nang naghahanap.

Si Sarah may hindi pa alam sa pag-sayaw at pagkanta samantalang concert queen na siya at kakadeklara lang niyang female recording artist of the year ng Guillermo Mendoza Memorial Awards at sa MYX Channel pero mag-aaral pa rin siya.

“Kulang pa po ’yun,” sabi niya.

Short courses lang naman pero hindi pa niya alam kung saang eskuwelahan sa Amerika.

Basta, magmama-master siya sa pagkanta at pagsayaw.

Isasabay na rin niya sa nasabing isang buwang absent sa showbiz ang bakasyon.

Samantala, kinumpirma rin ni Sarah na nag-usap sila ni Charice tungkol sa gagawin nitong kanta para sa kanya.

“Bilib nga ako sa kanya kasi, parang ang bata-bata pa niya pero ang dami na niyang mga naiisip gawin.

“Nai-excite nga po ako eh. Sana matuloy talaga,” sabi niya na recently lang sila nag-usap, last week, habang nasa Jordan siya for a concert.

Eh siya ba, naisipan din niyang gumawa ng kanta?

“Puro plano lang po,” sabay tawa niya. “Hindi natutuloy eh,” dagdag pa niya.

Mahilig sa love song si Sarah kaya malamang na ‘yun ang gawin niya. Pero hanggang ngayon ay wala pa raw siyang bagong love.

Samantala, tinatanong siya kung paano ‘naagaw’ ni Maja Salvador si Matteo Gudicelli sa kanya eh siya ang naunang sinabing type ligawan ni Matteo. “Never naman po siyang nanligaw sa akin,” sagot niya.

Endorser ng Red Cross Marian nanghihingi ng maraming dugo

Si Marian Rivera pala ang latest endorser ng Philippine Red Cross.

As endorser, kasama na ang actress sa launching ng Million Man Run na layuning makaipon ng pondo para ­i-promote ang humanitarian work volunteerism.

Ito ay matapos ideklara ng Uni­ted Nations ang 2011 bilang international years of volunteers.

vuukle comment

AMERIKA

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL AWARDS

MAJA SALVADOR

MARIAN RIVERA

MATTEO GUDICELLI

MILLION MAN RUN

NIYA

ONE HEART

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with