Buking na gusto pa ring ilihim, sexy actress consistent ang denial na nabuntis at nanganak na

PIK : Consistent ang denial ni Ynez Veneracion na nabuntis siya at nanganak sa Medical City ilang buwan na ang nakaraan.

“Siguro deserved din naman ng ibang artista na may konting pribado at hindi lahat ilabas. Sana ito, akin na lang. ‘Tong problemang ‘to sana sa akin na lang ‘to,” paulit-ulit na makahulugang sagot ni Ynez sa pangungulit namin.

Hindi na tuloy namin siya kinulit dahil feeling nito iniipit na namin siya. Mabuting sa trabaho na raw muna siya mag-concentrate at ayaw na raw muna niyang ma-in love.

Darating din naman daw ang panahon na merong tamang lalaki para sa kanya at nakabukas daw ang pinto niya sa puntong iyan.

Kasali si Ynez sa bagong pang-GMA Telebabad serye na Munting Heredera na magsisimula na sa Lunes pagkatapos ng Captain Barbell.

PIK : Tuloy pa rin daw ang gap ng dalawang female singer na laging magkasama sa isang production number.

Nadala lang daw sila sa away ng kanilang fans at pati sila ay nagkakaroon na rin ng gap.

Sa show na pinagsasamahan nila, kapag hinahanap daw ng staff kung nasaan na si female singer na medyo may pagkakayumanggi, sagot naman daw nitong isang female singer na medyo maputi ay “ewan ko” sabay gaya raw sa pose ni Sunshine Dizon sa poster ng Bakekang.

Hindi aware ang kayumangging female singer na ganun ang pang-asar sa kanya nitong medyo maputing female singer na kasama niya sa grupo.

BOOM : Pinag-uusapan na ngayon ang break-up nina Mo Twister at Rhian Ramos pero tikom ang bibig ng huli dahil never naman itong umamin na naging sila ni Mo.

Nagkabukingan lang na may problema sila dahil sa palitan nila ng tweets at dineklara na rin mismo ni Rhian na nakipag-break na siya pagkatapos ng isang taong pakikipagrelasyon.

Hindi niya binanggit kung sino, pero obvious namang si Mo dahil panay din ang emote ng huli sa kanyang Twitter account.

Pero kahapon lang ay meron uling ipinost si Mo sa kanyang Twitter para linawin ang isyu nila ni Rhian.

Ayon kay Mo : “For those asking and writing, i DID NOT breakup w/ Rhian via Twitter. This is absolutely the LAST THING i would have ever wanted us to encounter.

“Many of you dont know me personally or you may have an idea of what i may be like from what you hear, but this is a tragedy to me and one of the darkest moments of my life. I love Rhian dearly, much more than any of you will ever be aware of. She was the closest person to me and losing that is the WORST thing that can happen to anybody. So all these headlines saying that I broke up with her here are wrong. We are going through something that I am very sadden about, devastated. I would give anything to have my friend back.”

Pinayuhan si Rhian ng GMA Artist Center na huwag nang magsalita tungkol dito at hayaan na lang na mamatay ang isyu.

Show comments