^

PSN Showbiz

Walang masyadong baong English, buhay ni Jericho sa Amerika pinadali ng Hollywood actress

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Noong Miyerkules ng umaga ay nakabalik na sa bansa si Jericho Rosales mula sa kanyang matagumpay na movie premiere sa Amerika.

Galing ang aktor sa Newport Beach Film Festival sa California, USA para sa screening ng kanyang international film na Subject I Love You.

Sobrang nagpapasalamat si Jericho sa lahat ng mga kapwa Pinoy na tumangkilik sa kanyang pelikula.

“Salamat po sa lahat ng Pilipinong nagpunta sa premiere namin. Marami rin ’yung Amerikanong nanood, pati media, exciting iyon. Nagpalakpakan sa huli, nagre-react sa mga eksena. Ibang klaseng experience iyon para sa akin,” kuwento ni Jericho.

Very memorable para sa aktor ang nasa­bing event dahil naranasan niyang lumakad sa red carpet sa ibang bansa.

“Basta pagtapak ko sa red carpet, boom! Waaah! Dapat nagbaon ako ng maraming English doon. Hahaha! Kakaiba ’yung experience. Pagtapak mo, ii-introduce kayo, ’yung mga actors ’di ba? Then ang daming photographers, calling your name,” dagdag pa ni Echo.

Mas nakilala rin ng binata ang kanyang co-actor sa pelikula na si Briana Evigan na isang Hollywood actress. “Mabait, grabe! Sobrang bait. Siya ang nag-alaga sa amin, sa akin doon, first timer tayo eh. Pagdating sa red carpet, sa press, interviews, tinulungan niya ako. She made it easy for me. Sobrang saya niya pang kasama. Siguro kung wala siya doon hindi ganoon kasaya ang magiging experience namin,” pagde-detalye pa ni Jericho.

Ngayong close na sina Briana at Jericho ay posible kaya na ligawan ng aktor si Briana? “Briana has a boyfriend. But yes, may mga nakilala ako doon pero hindi, nothing ano, walang romantic, natuwa lang ako,” sagot ni Jericho.

Kim Chiu nagalit sa mga inang itinapon ang mga anak

Naging bahagi ng post-birthday celebration ni Kim Chiu ang pagbisita at pagbibigay ng tulong sa mga naabandonang sanggol na nasa Grace To Be Born sa Pasig.

Nagkaroon ng pagkakataong makita at makarga ni Kim ang mga sanggol sa nasabing lugar.

“Inabandona sila, nakapanghihinayang ’yung mga bata siyempre, parang God’s gift na magkaroon ng baby. ’Yung iba hirap na hirap na magkaroon ng anak pero ito iniiwan lang kung saan-saan. Sana sa mga gumagawa ng baby, sana pahalagahan nila ang mga bata,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Mayroong natutunan si Kim sa kanyang karanasan na ito at narito ang kanyang mensahe para sa mga magulang na nag-aabandona sa mga sanggol.

“Parang ang sarap ng pakiramdam na hindi lang naman ako ’yung maging successful, ako ’yung magkaroon ng magandang buhay, siyempre i-share ko rin sa ibang tao na mas nangangailangan din.

“Pahalagahan nila ’yung buhay ng isang tao, gift iyan ng God so dapat alagaan nila. Huwag silang magpa-abort. Huwag silang magpakasarap sa buhay nila na alam nilang may mapapahamak na bata,” seryosong sabi ng young actress. Reports from JAMES C. CANTOS

BRIANA

BRIANA EVIGAN

GRACE TO BE BORN

HUWAG

JERICHO ROSALES

KIM CHIU

SOBRANG

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with