Karen Davila, lalabanan ang human trafficking

MANILA, Philippines - Tinatayang mahigit sa 12 milyong katao ang biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso bunsod ng human trafficking. Sa Pilipinas, hindi na matiyak kung gaano karami ang biktima nito sa rami ng lumuluwas mula probinsiya upang makahanap ng magandang trabaho.

Ngayong Huwebes (May 5) sa Krusada, isa­salaysay ni Karen Davila ang kuwento ng anim na babaeng nailigtas mula sa kalupitan ng human trafficking.

Pakinggan ang karahasan na kanilang sinapit at kung paano nila ito nalampasan sa tulong ng non-government organization na Visayan Forum Foundation Inc.

Show comments