^

PSN Showbiz

Alessandra wala pang pang-rampa sa Cannes filmfest

-

MANILA, Philippines - Wala pang pang-rampang damit si Alessandra de Rossi sa 2011 Cannes Film Festival. Yup, invited si Alessandra sa nasabing prestigious film festival para sa ginawa niyang pelikulang Busong na dinirek ni Auraeus Solito.

Napili ang Busong para sa Cannes Directors’ Fortnight ngayong taon ng Cannes Film Festival.

Kuwento ng manager ni Alessandra na si Direk Manny Valera, madalian ang naging desisyon nang tanggapin nila ang pelikula ni Direk Solito na nakilala sa pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at Tuli. Parang kahapon lang sa kanya sinabi, sa wake pa ng nanay ni Direk Jeffrey Jeturian, the following day kailangan nang mag-shooting si Alessandra sa Palawan. “Ako pa ang medyo nag-inarte nung una dahil parang pakiramdam ko naman, hindi namin alam kung paano makatrabo ang staff ni Direk Auraeus. Dapat may kasama si Alessandra sa Palawan. Buti na lang at hindi maarte ang alaga ko. Alam mo naman si Alessandra, cowboy naman ‘yan kahit solo, sumama agad ng Palawan,” pag-alala ni Direk Manny.

Nakabili na ng ticket si Alessandra papuntang France.

Sa mga naunang interview, sinabi ni Direk Solito na na-justify ni Alessandra ang character ni Punay na sumasalamin sa Palawan. “Working with her was fascinating! It was simply uncanny – how precise her acting was and how she somehow captured the essence of Punay, exactly the way I imagined it,” sabi ni Direk na first time sa Cannes.

Piolo si Angelica ang ipinalit kay Kim

Nasa bansa na pala si Piolo Pascual. Two months siyang namalagi sa Ame­rika para sa series of concerts at negotiation para sa pelikulang gagawin doon na ayaw muna nitong gaanong pag-usapan.

Todo raw ang ginawa nitong workshop sa Amerika sabi ni Direk Joyce Bernal na kasama ng aktor for almost two weeks.

Pero bago matuloy ang nasabing pelikula na sa Amerika rin ipalalabas, gagawin muna ni Piolo ang pelikula with Angelica Panganiban na ididirek ni Mae Cruz. Wala pang title dahil nire-revise pa raw ang script.

Nakansela ang pelikula sanang pagsasamahan nila ni Kim Chiu.

Nang tanungin si Direk Joyce kung kumusta naman ang pagkikita sa New York nina Piolo at girlfriend nitong si KC Concepcion, masaya raw dahil kasama nila ang buong grupo.

Isang beses lang nagsolo ang mag-syota doon ayon pa kay Direk Joyce.

Isa sa matalik na kaibigan ni Piolo si Direk Joyce at ito ang magsisilbing consultant ng aktor sa gagawin nga niyang pelikula sa Amerika.

Nang kumustahin naman namin kay Direk Joyce ang pelikula nina Aga Muhlach at Regine Velasquez na inabutan na lang ng pagbubuntis ng huli, pakiramdam ng director ng pelikula, malabo na ang pag-asang matapos pa ito.

Seven shooting days na lang sana ang kailangan nila – four days kay Regine at three days for Aga pero talagang hindi raw nagtugma ang schedule ng dalawa hanggang sa magbuntis na nga si Regine.

Actually, malabo na talaga ‘to. Hindi na kasi puwedeng magtrabaho si Regine hanggang sa makapanganak siya.

Siyempre palalakihin niya muna ng konti ang magiging panganay nila ni Ogie Alcasid, so malamang after wo years pa siya magta-trabaho. By that time, iba na pareho ang hit­sura nila ni Aga. Iba na sa mga nakunan nilang eksena mga two years ago pa.

Sayang ang pelikula noh. May kilig factor sana ito at balitang ginastusan talaga ng Viva Films.

Tumbok, graded b!

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang Tumbok na sina Cristine Reyes and Carlo Aquino ang bida under Viva Films na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan ngayong araw. SVA

vuukle comment

ALESSANDRA

AMERIKA

CANNES FILM FESTIVAL

DIREK

DIREK JOYCE

DIREK SOLITO

PALAWAN

PELIKULA

PIOLO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with