MTRCB nagdesisyon na sa isyu ng pang-aabuso, Willing Willie suspendido ng isang buwan

MANILA, Philippines - Hindi pa man muling nakakabalik sa ere ang programang Willing Willie ay sinuspinde na ito ng isang buwan ng Movie and Television Review and Cla­s­sification Board (MTRCB).

Ang naturang hakbang ang naging desis­yon ng MTRCB hinggil sa mga reklamong natanggap ng ahensiya la­ban sa naturang show ni Willie Revillame hinggil sa umano’y pang-aabu­so sa karapatan ng ba­tang si Jan Jan Suan na sumayaw na parang isang macho dancer ha­­bang umiiyak noong na­karaang Marso kapalit ng pera.

Kumbinsido ang pa­mu­nuan ng MTRCB na nagkaroon ng pang-aa­buso sa bata nang ma­ging contestant ito sa na­­turang show.

Wala pang statement ang kampo ng TV 5 sa desisyon ng MTRCB.

Show comments