MTRCB nagdesisyon na sa isyu ng pang-aabuso, Willing Willie suspendido ng isang buwan
MANILA, Philippines - Hindi pa man muling nakakabalik sa ere ang programang Willing Willie ay sinuspinde na ito ng isang buwan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ang naturang hakbang ang naging desisyon ng MTRCB hinggil sa mga reklamong natanggap ng ahensiya laban sa naturang show ni Willie Revillame hinggil sa umano’y pang-aabuso sa karapatan ng batang si Jan Jan Suan na sumayaw na parang isang macho dancer habang umiiyak noong nakaraang Marso kapalit ng pera.
Kumbinsido ang pamunuan ng MTRCB na nagkaroon ng pang-aabuso sa bata nang maging contestant ito sa naturang show.
Wala pang statement ang kampo ng TV 5 sa desisyon ng MTRCB.
- Latest