^

PSN Showbiz

Secret Garden may magical twist

-

MANILA, Philippines - Nagsimula na noong Lunes ng gabi ang Korea­novela na Secret Garden, ang series na nagdulot ng craze sa Korea!

Ang Secret Garden ay isang award-winning romantic comedy na nagtatambal kina Hyun Bin, kilala bilang Cyrus ng My Name is Kim Sam Soon, at Ha Ji Won, lead star ng Hwang Jini.

Kahit tipikal na ang love-hate relationships sa Philippine TV, may kakaibang elemento ang Secret Garden na siguradong ikaka-hook ng mga manonood – isang little twist of magic.

Isang magical accident ang mag-uugnay sa kapalaran, at maging sa puso, nina Owen (Hyun Bin) at Jamie (Ha Ji Won), dalawang taong lubhang magkaiba ng backgrounds.

Si Owen ay isang eccentric bachelor na tagapagmana ng department store business ng kanyang pamilya. Bagama’t nakakainis ang kanyang kayabangan at katamaran, nirerespeto siya ng mga empleyado dahil sa kanyang talino.

Sa kabilang banda, hindi naman basta average at girly si Jamie. Siya ay isang babaeng naiiba sa maraming paraan – isa siyang ulila, stuntwoman at taong maprinsipyo.

Bilang mula sa magkaibang mundo, kadalasang nagtatalo at nag-aasaran sina Jaime at Owen hanggang sa magkapalit sila ng katawan sa kanilang paggising isang umaga.

Subaybayan kung paanong bubuksan ng magical twist na ito ang mata at puso nila sa isa’t isa. Asahan ding maraming nakakatawang eksena habang nag-a-adjust ang dalawa sa kanilang bagong katawan. At alamin kung ano ang lihim na dahilan sa likod ng magical body switch nina Owen at Jamie.

Ang Secret Garden ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng I Heart You Pare sa GMA 7.

May saysay ba sa buhay ng Pinoy ang kasalang William at Kate?

 Tinutukan sa bansa ang kasalan nina Prince William at ngayon ay Duchess of Cambridge na si Catherine Middleton.

Bagamat hindi kalahi, umaasa ang marami sa bansa na mauwi sa happily ever after ang mala-fairytale na pag-iisang dibdib sa pagitan ng isang prinsipe at isang karaniwang tao.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit karamihan sa atin ay nag-abang at humanga sa The Royal Wedding? Mayroon nga ba itong saysay sa atin bilang mga Pilipino?

Tunghayan ang ulat ni Rose Eclarinal mula sa United Kingdom ngayong Martes (May 2) sa Patrol ng Pilipino.

Dito ikukuwento ni Rose ang mga kaganapan patungo sa engrandeng kasalan na sinaksihan ng buong mundo.

Tumagal kaya ang kanilang pagsasama o matulad kaya sila sa magulang ni William na sina Prince Charles at Princess Diana, na naghiwalay din ilang taon matapos ng kanilang sariling “wedding of the century?”

 Alamin ang kuwento sa likod ng balita sa Patrol ng Pilipino ngayong Martes (May 2), pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANG SECRET GARDEN

CATHERINE MIDDLETON

DUCHESS OF CAMBRIDGE

HA JI WON

HWANG JINI

HYUN BIN

I HEART YOU PARE

ISANG

OWEN

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with