Dasal ni Coney pinakinggan ng Diyos

Grabe may panibagong pagsabog daw na naganap sa Bicol, at bonggang pagsabog.

Pero hindi ng bulkang Mayon, kundi sa isang mamahaling resort sa Bicol.

Yup, nakita kasing magkasama ng isang super bonggang relia­ble source ang isang dating beauty at isang concert produ at talent manager na nag-e-enjoy sa nasabing mamahaling resort sa Bicol na parang honeymooners. As in sweet-sweetan daw ang dalawa at nakakainggit tingnan sa kanilang ‘bakasyon.’

May ibang trabaho na si beauty queen at hindi na gaanong aktibo sa showbiz pero andiyan pa rin naman siya. Si Concert produ ay kila­lang matinik pagdating sa mga magaganda. 

Walang balita sa lovelife ng dating beauty queen pero alam ng lahat na meron itong ‘partner’ bago pa nga sila nakita ng concert produ.

* * *

Hindi pa man napapalabas, maganda na ang feedback sa 100 Days to Heaven na ang kuwento ay kung bibigyan ka ng pangala­wang pagkakataong baguhin ang mga mali mong nagawa para mai­ligtas mo ang iyong kaluluwa sa impiyerno, tatanggapin mo ba ito? At kung tatanggapin mo, papayag ka bang simulan ito sa umpisa?

Yup, kuwento ng pangalawang pagkakataon, pagkakaibigan, at pananampalataya na iikot sa buhay ni Anna Manalastas na ginaganapan ni Xyriel Manabat bilang batang Anna, at Ms. Coney Reyes bilang ang matagumpay na negosyante na Anna na siyang may-ari ng pinakamalaking pagawaan ng laruang pambata sa bansa.

Pagkatapos sa kanyang supporting role sa Ysabella at Rubi, bida na uli si Coney kasama si Xyriel na minsan na ring naging bida sa seryeng Momay.

Say ni Ms. Coney, answered prayer ang programang ito sa kanya.

“I’ve been praying for a show na, ‘Lord, ‘yong magbibigay ng pag-asa sa tao,” sabi niya sa isang interview.

“Kasi sa rami nang nangyayari sa buong mundo ‘yung mga tao nawawalan na ng pag-asa. So ipapakita natin na kailangang alisin na natin ang galit sa puso,” kuwento niya tungkol sa palabas nila.

Kasama rin sa palabas si Jodi Sta. Maria na matagal nang nali-link kay Jolo Revilla. Pero nang tanungin ito tungkol sa issue, walang napala kay Jodi. Ayaw nitong sumagot, iwas na iwas.

Ang 100 Days to Heaven ay magsisimula nga­yong May 9 mula sa direksiyon ni Malu L. Sevilla. 

* * *

Babalik ang Mano Po sa gaganaping 2011 Metro Manila Film Festival.

Hindi pa sinasabi ni Direk Manny Valera kung anong magiging kuwento ng project, pero definitely, isang bonggang project daw ito ng Regal Films kung saan pagsasama-samahin ang malalaking artista ng mga naunang Mano Po. Ang definite lang, si Direk Joel Lamangan ang hahawak ng project.

Show comments