Juday mas gagastusan ang birthday ni Yohan kesa kay Lucho

Katatapos lamang mag-celebrate nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ng kanilang second wedding anniversary noong isang linggo.

Ngayon ay anim na buwan na ang kanilang anak na si Baby Lucho at nga­yon pa lamang ay pinaplano na ng mag-asawa ang gagawing first birthday party ng anak.

“Definitely medyo malaki nang konti kasi first pero hindi naman masyadong glamorosa kasi hindi naman niya maaalala iyan. Just enough to celebrate his birthday. The bigger party will be on Yohan’s birthday, she’s turning seven already. November si Yohan,” balita ni Juday.                             — Reports from JAMES C. CANTOS

Pokwang tuloy na sa noontime show

Sa darating na Sabado ay kumpirmadong magbabalik noontime show na si Pokwang.

Magiging dagdag na host ang komedyana para sa Happy Yipee Yehey kaya ngayon pa lamang ay excited na si Pokie sa kanyang mga makakasama sa show.

“Si Kuya Randy (Santiago) ilang beses ko na nakatrabaho sa abroad, sa Aalog-Alog siya ang direktor namin. Si Toni (Gonzaga) sa Crazy For You. Si Mariel (Rodriguez) sa Wowowee. Si Melai (Cantiveros) naman sa Banana Split. Si John Estrada, first time kong makakatrabaho at nakikita ko na ’di naman siya mahirap mahalin at katrabaho,” nakangiting pahayag ni Pokwang.

Na-miss ni Pokie ang pagho-host kaya ngayon pa lamang daw ay todo na ang kanyang ginagawang preparasyon. “’Yung passion ko sa trabaho mas mapagpapatuloy ko. Kailangan ’yung pagbabalik mo ay maayos at ’yung mga taong matagal na naghintay ay satisfied sila sa pagbabalik mo, at pag-aaralan ko rin ’yung bagong format ng show, ’yung mga games,” dagdag pa niya.

Gerald itinangging binalikan niya si Kim

Matapos mag-dinner na magkasama sa New York kamakailan sina Kim Chiu at Gerald Anderson para i-celebrate ang birthday ng young actress ay naging matunog ang balitang nagkabalikan na ang dalawa.

Ano na nga ba ang tunay na estado sa ngayon ng relasyon nina Kim at Gerald?

“Sa ngayon wala pa, pareho kaming single, nag-e-enjoy lang po kami nga­yon kung ano po ’yung status namin ngayon as friends. Masaya kaming pareho, single si Kim, single ako, we are just happy for this year sa side ko, single muna ako. Sa rami naming pinagdaanan last year, masasabi kong masaya kami as friends,” pagtatapat ni Gerald.

Show comments