Mahina nga ba sa instructions ang mga Pinoy?
MANILA, Philippines - Tayong mga Pinoy ay sinasabing sadyang matitigas ang ulo, kahit ilang beses pa tayong pagsabihan na huwag gawin ang mga bagay na hindi maganda ay lalo pa itong sinusuway. Isang matibay na pruweba dito ang pagsuway sa mga traffic at road signs!
At maging ang mga estudyante, biktima rin ng hindi pagsunod sa mga instructions! Kaya ang ending ay aksidente, disgrasya, kapahamakan, at samu’t saring mga kamalasan. Kaya sa I Juander ngayong Lunes, aalamin kung hindi nga ba talaga makasunod sa mga instructions si Juan?
Kasama ang mga GMA News seasoned reporters na sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario, isang katanungan mula sa I Juander Facebook fanpage ang bibigyang kasagutan. Isang guro sa Laguna ang saksi mismo sa pagiging hindi masunurin ng Pinoy dahil ang mga sarili niyang estudyante ang valedictorian sa pagsuway sa mga exam instructions. Patunay nga ba ito na sa murang edad, tayong mga Pinoy ay tunay ngang pasaway?
Isa pang patunay ang pang-aabuso ng mga motorista at pedestrians sa mga road signs at traffic laws. Kaya nga ang Commonwealth Highway ay kinatatakutan na bilang ‘killer highway.’ Dahil nga ba ito sa gusto ni Juan ang shortcut kaya maging ang sariling buhay ay napapadali na rin?
Samahan natin sina Susan at Cesar sa programang nagbibigay ng kasagutan sa every Juan…I Juander, 10 p.m., sa GMA News TV.
- Latest