Nali-link sa matandang pulitiko na super yaman ang isang seksing aktres na hiwalay sa asawa. Nakikita ang dalawa sa ilang public places at ang aktres pa ang super lambing at nakapulupot sa super richie lover boy.
Ayon naman sa isang kaibigang writer, hindi naman ito nakakapagtaka dahil nagmana ito sa kanyang inang aktres na nakarelasyon din ng isang mayamang matandang pulitiko noon.
Vic nasuklian ang kabaitan
Nakausap ko ang aming booker (sa cinema) at siya mismo ang nagkuwento na humirit sa takilya ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! at mataas ang kinita nito sa opening day (P11M). Walang padding itong pelikula ni Vic Sotto ha!
Hindi naman nakapagtataka na kumita ito ng husto sa takilya dahil sinuklian lang ang kabaitan at pagiging matulungin ng komedyante na malaki ang naitutulong sa mga tao sa programang Eat Bulaga.
Dama namin ang pagmamahal sa kanya ng mga tao nang idaos ang birthday celebration nito sa Eat Bulaga noong Huwebes.
Kung Fu Panda may part two na
Nagbabalik ang ating Kung fu hero na si Po at nagbubuhay-pangarap bilang si Dragon Warrior, habang pinoprotektahan ang Valley of Peace kasama ang kanyang mga kaibigang mahuhusay na kung fu masters, ang Furious Five — Tigress at Crane, Mantis, Viper, at Monkey.
Subalit ang pangarap ni Po ay may bantang pagbangon ng isang katunggaling may maitim na balak na gamitin ang isang lihim at walang kasukat na armas sa pagsakop sa buong Tsina at wasakin ang kung fu.
Tampok at binosesan sa Kung Fu Panda 2 sina Jack Black (Po), Angelina Jolie, Jackie Chan, Gary Cross, Dustin Hoffman, Lucy Liu, Seth Rogen, Jean Claude Van Damme, David Cross, Michelle Yeoh, at James Woods.
Ipinamamahagi ito ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Malapit nang ipalabas ngayong Mayo sa inyong mga paboritong sinehan.