^

PSN Showbiz

Juday ayaw nang mag-entertain ng mga kanegahan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK : Tahimik na sinelebreyt nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang kanilang second wedding anniversary nung nakaraang Huwebes.

Bahagi ng kanilang selebrasyon, nagkaroon ng Thanksgiving mass ang mag-asawa sa kanilang tahanan.

Mga ilang malalapit na kaibigan at pamilya lang ang imbitado. Kasabay na rin ng selebrasyon ng Mother’s Day dahil naroon din ang Mommy Carol niya at ang Mommy ni Ryan.

Malaki ang pasasalamat ni Judy Ann sa pagdating ni Baby Lucho sa kanilang buhay dahil malaki ang kanilang ipinagbago.

Lalo na si Judy Ann, ngayong isa na siyang ganap na ina, wala na siyang iniisip na kanegahan at hindi na niya ’yun ini-entertain.

“Kung patient pa ako noon, mas naging patient pa ako ngayon. Ang pasensya ko talaga sa lahat ng bagay, hindi lang sa trabaho. ’Yung lumawak, mas naging understanding ako sa lahat ng bagay. Naiintindihan ko bawat bagay na nangyayari, kung hindi ko man makuha ang gusto ko, ipinagpapasa-Diyos ko na lang,” pahayag ni Judy Ann sa presscon ng bagong endorsement na naman niya na Del Monte Pineapple.

PAK : Hindi napigilan ni Patani na maiyak nang nakapanayam ito ng Tweetbiz Insiders at Startalk tungkol sa isyung pinalayas ito sa apartment na tinitirhan niya.

Muntik na nga siyang mapalayas dahil ilang buwan na pala siyang hindi nakakabayad ng upa.

Mabuti’t tinulungan siya ng kapatid niya kaya na­ba­yaran niya ito. Pero ngayon ay namom­roblema na naman siya dahil saan na naman siya kukuha ng perang pambayad sa upa.

Bukod pa sa may babayaran siyang kuryente, tubig, at pagkain niya sa araw-araw.

Kaya hindi na niya alam kung paano siya kikiita dahil matagal na siyang walang trabaho pagkatapos mawala sa ere ang Fulhaus.

Hindi naman masama kung bumalik siya sa pagyayaya pero malaking pagkakataon na sana sa kanya na maiangat ang kanyang buhay pagkatapos niyang pasukin ang showbiz.

BOOM : Totoong muntik nang umabot sa demandahan ang break-up nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Nakausap namin si Atty. Joji Alonzo na malapit kina Jennylyn at sa manager nitong si Becky Aguila at sinabi nitong may mga nag-uudyok na magdemanda si Jennylyn pero si Atty. Joji na mismo ang nagdi-discourage at tinitiyak nitong hindi aabot dahil hindi na nga magandang tingnan.

 “Hindi ’yan aabot sa ganyan. I will be the first to stop her although merong nag-uudyok na iba na friends or relatives yata na ganun, but I’ve always said huwag na,” pahayag ni Atty. Joji na close rin sa manager ni Dennis na si Popoy Caritativo.

Iniiwasan na ni Jennylyn na magsalita kahit may pinu-promote sana itong birthday concert niya sa Zirkoh sa May 7 pero minabuti nitong manahimik dahil iniiwasan na niyang mapagbintangang ginagamit ang isyu para makapag-promote lang ng kanyang concert.

Bahagi ng text message ni Jennylyn na ipinadala sa Startalk: “Tungkol po sa split-up namin ni Dennis, lalabas naman po ang totoong dahilan nang paghihiwalay namin. Sa ngayon po I’m keeping myself busy. Nagdyu-jitsu ako for self-defense.”

Bakit kaya kailangan niyang mag-self-defense?

vuukle comment

BABY LUCHO

BAHAGI

BECKY AGUILA

DAHIL

DEL MONTE PINEAPPLE

DENNIS TRILLO

JENNYLYN

JUDY ANN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with