Nakita lang magkasama sina Rufa Mae Quinto at Erik Santos, sinasabi nang nagkabalikan sila.
Parang wala nang karapatang magkasama ang hindi magkakarelasyon.
Pero si Erik mismo ang nag-deny nito, sinabi niya na kahit wala na silang relasyon ay makakaasa pa rin ang ex niya ng kanyang suporta.
* * *
Tingnan mo nga naman, puwede pa palang maging son-in-law ni Pokwang ang Koreanong si Ryan Bang.
Balitang smitten si Ryan first time pa lamang nitong makita ang anak ni Pokwang.
* * *
‘Yung ginaling-galing ni Zaijian Jaranilla sa drama, ang totoo palang gusto niya ay maging isang comedian na tulad ni Vic Sotto.
Obvious na naging maganda ang resulta ng unang pagsasama nila sa isang movie project.
Hindi maitago ni Santino ang paghanga kay Bossing Vic kaya everytime na payagan siya ng ABS-CBN he goes to visit him, sa Eat Bulaga ay kita naman ang enjoyment niya habang nasa show.
Relax na siya’t hindi naiilang. I’m sure siya na ang bagong sidekick ni Bossing ngayon.
At dahil successful, masusundan na agad ang pelikula ni Bossing sa film outfit ng Kapamilya Network. Pero ayaw pa niyang magbigay ng detalye. Basta meron na raw.
Mukhang ginanahan si Vic na makatrabaho ang mga Kapamilya ha.
Aba ang bilis niyang nakapag-desisyon na makatrabaho uli sila pagkatapos ng matagumpay na pelikulang Pak Pak My Dr. Kwak .