Marvel super heroes nagkalat sa Amana

Manila, Philippines - Naging summer destination na ang Amana Water park sa Pandi, Bulacan. Taon-taon ay patuloy ang pagtaas ng mga turistang dumarayo upang makita ang malawak at napakagandang resort kung saan matatagpuan ang giant pool na mayroong 13 waves, kauna-unahan sa bansa kabilang na ang ipinagmama­laking ‘‘Diamond Wave.’’

Bukod kasi sa mga swimming pools, nakakalat ang life-sized figures ng Marvel Super heroes kaya tuwang-tuwa ang mga bata sa pagpapakuha ng litrato katabi ng mga ito. Mayroon din horseback riding, night swimming, karaoke na marerentahan at iba’t ibang cottages na may sari-saring tema.

World-class talaga ang Amana kaya pumapangalawa na ito sa google bilang 2nd most popular summer resort. Kung balak ninyo pang humabol nga­yong tag-araw, huwag pahuli sa mga nakaranas ng kakaibang adventure at makisaya sa Amana Water Park — ang ‘‘resort ng bayan.’’

Maaaring tingnan ang kanilang Facebook page o official website na http://www.amawaterparkphilippines.com. Maaari ring tumawag sa (044) 661-2383 or (044) 661-2384.

Show comments