Comic biography ni Pacman mabentang-mabenta, international album, ire-release na!

Manila, Philippines - Inabangan ng buong mundo ang Royal Wedding of the Century - ang pag-iisang dibdib nina Prince William ng Inglatera at si Catherine Middleton! At mula sa London, hatid ng GMA News pillar at multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho ang mga pinakahuling kaganapan sa world event na ito na mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado sa GMA Network.

Bukod sa latest updates tungkol sa Royal Wedding, tampok din sa Kapuso Mo, Jessica Soho   ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

ESPN Magazine na mismo ang nagsabi, siya ang Best Paid Athlete noong 2010 at sa nalalapit niyang laban kay Shane Mosley, manalo o matalo man, inaasahang kikita pa rin ng limpak-limpak na salapi si Pacman. 

Katumbas nga raw ng pangalan ni Pacquiao, hindi lang ang husay sa boksing, kundi ang pagiging mabenta ng kahit anong bagay na may kinalaman sa kanya. Ang kakalabas nga lang na Comic Biography ni Pacquiao, umabot na raw sa ilang daan ang nabiling kopya. 

At sa linggong ito, nakatakda na ring i-release ang international album ni Pacquiao kung saan kumanta siya ng Sometimes When We Touch.

Huwag palagpasin ang mga kapana-panabik na updates na ito tungkol sa Royal Wedding at Pound for Pound King Manny Pacquiao sa award-winning news magazine program Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado.

Show comments