Manila, Philippines - Lumusob na ang mighty hero na si Thor sa mga sinehan sa Kamaynilaan simula kahapon, Biyernes na handog ng Paramount Pictures at Marvel Entertainment. Ang kasaysayan ni Thor ay isa sa mga laging kinapapanabikan ng mga mahilig sa comic books maging anuman henerasyon nila.
Si Thor ay isang malakas na hero ngunit aroganteng warrior na ang mga galaw ay muling bubuhay ng apoy sa isang labanan. Dahil sa kanyang mga aksiyon na pabara-bara, papupuntahin siya sa mundo ng mga tao upang manirahan at matutong makisama sa kanila. Nang malaman ng kanyang mortal na kaaway sa mundo nila na si Thor ay nasa mundo ng mga tao, agad ito nagbalak ng paghihiganti. Dito magiging ganap na bayani si Thor upang ipagtangol ang katauhan na naging kakampi niya.
Gumaganap na Thor ay si Chris Hemsworth kasama sina Natalie Portman, Tom Hiddleston, Stellan Skarsgald, Kat Dennings, Clark Gregg, Colm Feore, Ray Stevenson, Idris Elba, Jaimie Alexander, Tadanobu Asano, Joshua Dallas, Rene Russo, at Anthony Hopkins sa direksiyon ni Kenneth Branagh. Ang Thor ay ipinamamahagi ng United International Pictures.