Marian hindi kayang tumingin sa red briefs ng iba

May tsika sa shooting ng Temptation Island na nagtatakip ng mga mata si Marian Rivera sa eksenang naka-red brief si Tom Rodriguez. Pasalamat din daw ang aktres na isa lang ang eksena nila ni Tom na suot nito ang red brief.

Naintriga tuloy ang mga nakabasa kung gaano ba ka-skimpy at ka-sexy ang red brief ni Tom para magtakip ng mga mata si Marian.

Maganda ang working relationship ng dalawa pero inamin ni Tom na nenerbiyos siya the first time na makita ang dalaga sa storycon at sa shooting. Pero nakilala niya ito ng husto at mabait daw pala.

Sa Twitter ni Tom, pinost ang picture ni Marian na nagda-drive ng 4x4 sa shooting at astig daw ang aktres. Bumilib ito dahil sa liit ng dalaga, nakayang mag-drive ng 4x4.

Naalala namin kung natuloy si Tom sa Amaya, siya sana at hindi si Mikael Daez ang other leading man ni Marian.

Samantala, bongga si Marian dahil endorser siya ng Cavitex at ang laki-laki ng picture niya sa print ad nito.

May upcoming pang endorsement si Marian para sa isang beauty clinic.

Carlo na-miss makipagtsikahan

Na-miss ni Carlo Aquino ang presscon, kaya malutong na “kumusta kayo” ang bati sa press people na dumalo sa presscon ng Tumbok.

Ang last presscon niya ay sa Tanging Ina, Last Na ‘To at hindi siya nakapagsalita ng husto dahil na-focus kay AiAi delas Alas ang attention ng press. Ang next presscon ni Carlo ay para sa Utol Kong Hoodlum ng Viva Entertainment na ipalalabas sa TV5.

Naku, wala kayang umaway kay Carlo sa opinion na para sa kanya, walang ibang nararapat na maging Box-Offie Queen this year kundi si AiAi lang. “Sino pa ba? Si Mama na ‘yun,” wika nito.

In the same way na isa si Cristine sa pinakaseksing aktres para sa kanya at natutuwa siyang magkasama at magkapareha pa sila sa Tumbok  na showing sa May 4, sa direction ni Topel Lee.

Show na babasa ng isip, mag-uumpisa na

Magpa-pilot mamaya after 24 Oras Weekend ang Mind Master na kung i-describe ay mind-boggling show dahil kakaiba at isip ng tao ang papasukin. Tampok dito ang mentalist na si Nomer Lasala na tatalakay sa different issues, situations and questions gamit ang mentalism.

Four weeks mapapanood ang Mind Master at may makakasamang celebrity host at sa Open Mic episode, guest si Ogie Alcasid.

Solenn pinaka-maganda sa GMAAC

Nakita namin ang pictures ng GMA Artist Cen­ter na pagpipiliian para isama sa GMA Black Book Catalogue 2011 at agree kami kay Dinno Erece na si Solenn Heussaff ang pinakamaganda. Minimal ang makeup ng hitad, pero lutang na lutang ang ganda.

Pinaka-guwapo naman si Mike Tan at pinaka-sexy ang pose si Princess Snell na karampot na pang-ibaba lang ang suot.

Kitang-kita rin ang mahabang Alibata tattoo nito sa right side ng kanyang tagiliran.

Sayang at hindi for sale ang GMA Black Book Catalog na ilalabas sa May 29, hindi makikita ng Kapuso fans ang naggagandahang pictures ng GMAAC talents.

Show comments