Sa hat bumawi Royal Wedding walang patalbugan ng gowns, bags, at alahas!

Manila, Philippines - Walang nakaligtas na anggulo sa ginanap na Royal Wedding kahapon. Eh lahat ba naman ng channel, may coverage.

Grabe, nakaka-aliw panoorin ang nasabing kasalan nina Prince William at Kate Middleton, Princess Catherine na ngayon.

Elegante pero sobra silang mga simple lang kahit mga miyembro ng royal family at ang mga bisita na umabot sa halos 2,000 lang.

Kahit ang wedding gown ng bagong prinsesa ay simpleng-simple lang at wala rin siyang gaanong makeup.

Wala ring patalbugan ng mga alahas, gowns at bags katulad sa mga kasalan lalo na dito sa atin. Sa mga suot lang nilang hat sila nagpatalbugan.

Ang wedding dress ay gawa nina Sarah Burton at Alexander McQueen.

Ayon sa report, mas pinili ni Princess Catherine ang British brand bilang respeto sa traditional workmanship at technical construction ng tela nito.

Kaya lumabas na magandang-maganda ang bagong prinsesa sa kanyang kasal na ginanap kahapon.

Kitang-kita rin ang sobrang pagka-in love ng bagong kasal sa isa’t isa. Maya’t maya ang sulyapan nila habang isinasagawa ang wedding ceremony sa Westminster Abbey.

At nang isuot na ang wedding ring, parang medyo masikip, napansin n’yo ba? Parang nahirapang isuot kay Kate.

Behaved din ang mga taong nanood sa kasalan na nasa kahabaan ng London. Pero ayon sa report, meron din palang anti-royal wedding protesters na nag-ipon-ipon sa Red Lion Square sa Central London at Soho Square. Pero kakatiting lang kumpara sa maraming kababayan nilang dumagsa para saksihan ang kasalan.

Sumakay sila sa 1902 State Landau carriage para sa grand procession na natapos sa Buckingham Palace at doon na sila nagkaroon ng unang halikan sa harap ng publiko.

Ayon sa mga report umabot sa 2 billion ang nanood nito sa buong mundo.

Show comments