Wala na sigurong maipipintas pa kapag si Charice na ang kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas o Lupang Hinirang sa laban ni Manny Pacquiao kay Shane Mosley sa May 7 sa Las Vegas. Ang Pambansang Kamao mismo ang pumili sa Pinay international singer. May nag-advice na kaya kay Charice na huwag baguhin ang istilo ng pagkanta rito para hindi siya magkaproblema sa National Commission for Culture and Arts o NCCA?
* * *
Hindi naman hinayaan ng pagkakataon na ilugmok si Aljur Abrenica ng mga kanegahang write ups at hindi magkamayaw na panlalait sa naging acting niya sa Machete.
In fairness, Aljur was not that bad in Machete. Feeling ko nga ang pagkakagulo ng istorya ang naging culprit. Masyadong lumihis sa orihinal na kuwento. Kaya, huwag nang magsisihan, huwag na lang ulitin. Everyone should learn from it, team effort ‘yun, bakit si Aljur lang ang sinisisi? Ayaw ng mga fans ni Aljur ng ganyan at ni AiAi delas Alas. Baka hilahin niya sa kabila si Aljur.
* * *
Si Aga Muhlach pumayag gumanap ng father role sa remake ng Bagets na gagawin ng TV5? Pasadung-pasado pa naman siyang maging anak ba’t gagawing ama agad? At pinayagan ‘yun ni Aga ha?
Mas malaking participation ang inaasahan kong gagawin ni Aga sa bago niyang bahay.
Okay na ‘yung paghu-host ng isang reality game show o isang drama series pero hindi bilang isang ama sa mga ganitong remake ng Bagets na maituturing kong support lang. (Special appearance lang daw po si Aga ayon sa ibang report. Hindi po siya magiging regular sa programa. – SVA
* * *
Nanakawan din si Heart Evangelista ng gamit ng bago niyang PA pero sa halip na idemanda ito at ipakulong pinabayaan na lamang niya dahil naawa siya. Kung sabagay babalik din naman sa kanya ang mga nawala, magsipag lamang siya.
Maganda ang nagiging impluwensiya ni Daniel Matsunaga kay Heart. Because she’s happy and full of love, ‘yung mga bagay na dapat ay magbigay ng kalungkutan sa kanya ay napapalipas na lamang niya at hindi na niya nabibigyan ng importansiya. She has become more generous, more forgiving and more inspired to work.