Louise delos Reyes wala pang bagong project

Malapit nang mag-goodbye sa ere ang Alakdana kaya nakakaramdam na ng lungkot ang loveteam nina Louise delos Reyes at Alden Richards dahil mami-miss nila ang kanilang co-stars at ang production staff.

Hindi pa masabi nina Louise at Alden ang kanilang mga next project sa GMA 7 pero hoping sila na kasing bongga rin ng Alakdana ang ibibigay ng mother studio nila.

Mga baguhang artista sina Louise at Alden kaya napakasuwerte nila dahil mga bida agad sila sa Alakdana.

Ikinuwento ni Alden na unti-unti nang bumabalik sa dati ang pangangatawan ni Paulo Avelino, ang co-star niya na nagkasakit ng pneumonia kaya nangayayat.

Hindi nakapag-taping si Paulo para sa Alakdana at dahil kailangan ang presence niya sa mga eksena, nag-report siya sa taping pagkatapos ng kanyang confinement sa ospital.

Kung pinapanood ninyo ang Alakdana, mapapansin ninyo na malaki ang ipinayat ni Paulo. Malayung-malayo sa kanyang maskuladong katawan nang ipainterbyu siya noon ng manager niya na si Leo Dominguez.

Nag-worry si Alden nang malaman nito na pneumonia ang sakit ni Paulo dahil pneumonia ang ikinamatay ng kanyang ina.

Nilinaw nga pala ni Louise na baka nagbibiro lang ang kanyang ina nang itanong daw nito kung magkano ang reporter na nagsulat ng blind item tungkol sa stage mother ng isang young actress.

Itago natin sa pangalan na Gorgy Rula ang reporter. Naglabas ng blind item si Gorgy tungkol sa stage mother ng young actress at ang feeling ng nanay ni ­Louise, siya ang subject ng article na lumabas kaya diumano, nag-dialogue siya ng “Magkano ba si Gorgy Rula?”

Nakarating kay Gorgy ang kuwento kaya tinanong niya si Louise nang magkita sila noong Miyerkules. Ang sey ng nagtatakang bagets, baka nagbibiro lang ang nanay niya.

Kasama ni Louise sa presscon ang kanyang ina kaya mismong si Gorgy ang nagpakilala sa sarili. “Mommy, ako po si Gorgy Rula, ‘yung tinanong n’yo kung magkano?”

Tatanungin ko pa si Gorgy sa naging reaksiyon ng mother dear ni Louise na obvious na hindi pa sanay sa negosyo na pinasok ng kanyang anak. Mara­ming stage mothers at stage fathers sa showbiz kaya ang moral of the story, huwag agad magre-react sa mga blind item at lalong huwag i-claim na kayo ang subject ng article.

Acting school ni Snooky maraming nag-enroll

May nakakita kay Ricardo Cepeda at sa mga anak nila ni Snooky Serna habang kumakain sa fastfood section ng S&R The Fort.

Hindi kasama si Snooky ng kanyang mag-aama. Ang sabi, nasa probinsiya raw si Snooky dahil nagtayo ito ng acting school at successful siya dahil mara­ming estudyante ang nag-enroll.

May K si Snooky na maging acting teacher dahil award-winning actress siya. Sa tagal ni Snooky sa industriya, tama lang na i-share niya sa mga aspiring actor ang kanyang knowledge sa pag-arte.

Ibang-iba siya sa mga artista na may mga acting workshop pero hindi naman nag-win ng award at mabibilang sa daliri ang mga pelikula na ginawa.

Kung sino sila, itanong ninyo sa bulaklak!

O di ba, may-I-borrow ko ang linya ni Mama Cristy Fermin nang interbyuhin niya noong Linggo si Bulacan Mayor Patrick Meneses?

Show comments