Asia's Acoustic Sensation at Bossa Nova Queen magsasama sa Rated A

MANILA, Philippines - Tuluy na tuloy na ang concert ng tinaguriang Asia’s Acoustic Sensation na si Aiza Seguerra na pinamagatang Rated A sa ika-20 ng Abril 2011, 8:00 ng gabi.

Gaganapin ang concert sa Metro Bar sa West Ave. sa Quezon City.

Special guest niya ang Bossa Nova Queen ng Pilipinas na si Sitti at multi-awarded na aktres na si Ara Mina.

Para makabili ng tiket, magtungo sa alinmang Ticketnet outlet sa SM at maari rin kayong makabili sa Ticketnet online P700 kada ticket ay may kasama pang isang libreng inumin.

Ang concert ay gaganapin sa pakikipagtulu­ngan ng Golden Treasure Skills and Development Program.

Para sa karagdagang impormasyon tulad ng kung papaanong makakabili ng discounted ticket lalo na sa mga grupong manonood, maaring makipag-ugnayan kay Emily sa 09276414006 at 496-18-87.

Show comments