I’m sure walang TV set ang hindi nakatuon sa ABS-CBN sa Sabado ng gabi sa pagpapalabas ng Maalaala Mo Kaya na magtatampok sa huling pagkakataon sa teenstar na si AJ Perez na bago namatay sa isang car accident ay masyadong na-excite sa kanyang naging guesting sa itinuturing na pinakamagandang drama anthology sa telebisyon.
Lahat nang nakausap niya prior to his accident ay inimbita niyang panoorin ang kanyang performance na sinabi niyang pinakamagandang role na ginawa niya. Kasama niya sa naturang episode ang magaling ding child star na si Bugoy Cariño.
Sigurado akong panonoorin ito ng lahat with a pain in their hearts dahil hindi pa napapanahon ang pagpanaw ng batang aktor.
Malayo pa sana ang kanyang mararating. And for sure iiyakan ng mga manonood nito ang episode na dinirek ni Dado Lumibao at host si Charo Santos Concio.
* * *
Ginagawa lang na parang Quiapo ni Imelda Papin ang Las Vegas. Kakakausap ko lang sa kanya pero the next time I looked for her, nakaalis na pala ito at nasa US na para paghandaan ang kanyang concert sa Orleans Showroom sa Las Vegas na kung saan ay naka-schedule siyang mag-show sa May 7.
Makakasama niya sa show ang popular na grupong The Cascades, ang kanyang only daughter na si Marie France (Maffi) na based na rin sa US at mas gumanda pa at gumaling na singer at ang elder sister niyang si Gloria Papin.
Sa kabila ng matagal niyang pagkawala ng bansa, nagawa ng sentimental songstress na ma-establish ang sarili niya sa Las Vegas, lalo na sa Orleans Hotel na isa ring malaking lugar at puntahan ng maraming tao at itinuturing niyang home base. Regular siyang kumakanta rito at SRO rin naman ang mga shows niya.
Pagkatapos ng Orleans concert ay babalik agad siya ng bansa dahil marami rin siyang commitments dito na nangangailangan ng kanyang atensiyon at presence.
* * *
Magpapauso ng bagong fashion style si Kim Chiu sa kanyang bagong seryeng Binondo Girl. Excited si Kim na iminodelo ang mga pagpipilian niyang outfits at ang mga hairstyles na bagay sa kanya at sa mga damit na gagamitin niya.
Nagkaroon siya ng look test kamakailan at game na game na inirampa niya ang mga idinisenyong damit para sa kanya.