MANILA, Philippines - Isa na namang usapang pangkagandahan ang tampok sa Sabado alas-diyes ng umaga sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes sa GMA News Channel.
Una sa talaan ng mga makakatsikahan ng host-producer na si Mader Ricky ay ang beauty queen turned image consultant na si Abbygale Arenas de Leon na magsasabing ang etiquette at social graces ay nakakaragdag sa angking kagandahan ng isang tao. Bisita rin ang isang instructor ng Halili-Cruz Ballet at ipapaliwanag naman niya kung paanong ang eleganteng sayaw na ballet ay nakatutulong sa pagbibigay ng dignidad at magarang tindig sa kanilang mga tinuturuang ballerina.
Ang sikat na potograpong si Jason Tablante, base sa kanyang mga karanasa’y magpapatunay na ang paniniwala sa sariling kakayahan o self confidence ay nagbibigay ng kakaibang uri ng ningning sa mukha ng kanyang mga subject at modelo.
Dadalaw sa programa ang sikat at respetadong aktres na si Boots Anson-Roa at ilalahad niya ang personal na karanasan bilang matagumpay sa pagsasabay ng karir at pagpapamilya.
Alam n’yo bang nakakabata raw ang kaligayahan? Patutunayan ito ng mga stand up comedians ng The Library at ng isang Laughter Yoga instructor.