^

PSN Showbiz

Panglabas at pangloob na kagandahan hihimayin sa L&S

-

MANILA, Philippines - Isa na namang usapang pangkagandahan ang tampok sa Sabado alas-diyes ng umaga sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes sa GMA News Channel.

Una sa talaan ng mga makakatsikahan ng host-producer na si Mader Ricky ay ang beauty queen turned image consultant na si Abbygale Arenas de Leon na magsasabing ang etiquette at social graces ay nakakaragdag sa angking kagandahan ng isang tao. Bisita rin ang isang instructor ng Halili-Cruz Ballet at ipapaliwanag naman niya kung paanong ang eleganteng sa­yaw na ballet ay nakatutulong sa pagbibigay ng dignidad at magarang tindig sa kanilang mga tinuturuang ballerina.

Ang sikat na potograpong si Jason Tablante, base sa kanyang mga kara­nasa’y magpapatunay na ang paniniwala sa sariling kakayahan o self confidence ay nagbibigay ng kakaibang uri ng ningning sa mukha ng kanyang mga subject at modelo.

Dadalaw sa programa ang sikat at respetadong aktres na si Boots Anson-Roa at ilalahad niya ang personal na karanasan bilang matagumpay sa pagsasabay ng karir at pagpapamilya.

Alam n’yo bang nakakabata raw ang kaligayahan? Patutunayan ito ng mga stand up comedians ng The Library at ng isang Laughter Yoga instructor.

vuukle comment

ABBYGALE ARENAS

ALAM

BISITA

BOOTS ANSON-ROA

GANDANG RICKY REYES

HALILI-CRUZ BALLET

JASON TABLANTE

LAUGHTER YOGA

LIFE AND STYLE

NEWS CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with