Korina nasa Vatican para sa beatification ni blessed John Paul II

MANILA, Philippines - Tahakin ang landas ni yumaong Blessed John Paul II papunta sa pagi­ging isang ganap na santo ng ABS-CBN sa kanilang week-long special coverage sa nalalapit na beatification sa kanya ng simbahang katoliko ngayong linggo.

Nagsimula noong Lunes (Apr 25) na mag­bigay ng mga ulat ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez tungkol sa iba’t ibang tao na nabago ang buhay dahil kay Blessed John Paull II sa primetime newscast na TV Patrol.

Kaya tuluy-tuloy ang pagbabalita ni Korina ng bawat kaganapan mula sa Vatican City simula ngayong Huwebes (April 28) sa TV Patrol. Yup, nasa Vatican si Korina.

Mapapanood naman ang mismong beatification ceremony ng live sa Linggo (May 1) sa ganap na 6:30 p.m. sa TV Patrol Weekend kasama ang mga anchor na sina Alex Santos at Bernadette Sembrano.

Inilunsad din kahapon, Miyerkules, ang Bayan Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula Beatification Special kung saan ibinabahagi ng mga Bayan Patrollers ang kanilang alaala tungkol sa dating Pope na bumisita sa Pilipinas noong 1981 at 1995.

May espesyal na episode ng Iba-BALITA ang Studio 23 at magbibigay ng maya’t mayang updates kaugnay sa beatification.

Sa ANC o ABS-CBN News Channel (SkyCable Channel 27), magsisi­mula ang pagbabalita ng 4:00 p.m. kasama sina Ron Cruz at Lia Andanar.

Tuluy-tuloy ang coverage ng Holy Mass at ng beatification, mga live reports mula Vatican, at diskusyon kasama ang mga piling panauhin.

Bubusisiin naman ni Tina Palma sa Talkback with Tina Palma pagdating sa Lunes (May 2) kung paano naging bahagi ang Blessed Pope ng buhay ng mga Pilipino kasama ang Ambassador to the Holy See na si Tita de Villa, Fr. Aris Sison, at Brother Dave Caesar dela Cruz.

Mapapakinggan din ang coverage sa DZMM Radyo Patrol 630.

Iimbitahan din ng DZMM ang mga anchors na sina Fr. Jerome Marquez, Fr. Jerry Orbos, Fr. Nono Alfonso, Fr. Bel San Luis, at Fr. Tito Caluag para maging panelists at humimay sa mga kaganapan.

Si Blessed John Paul II ay nagsilbing Santo Papa ng Simbahang Katoliko sa loob ng 26 taon hanggang sa kanyang kamatayan noong 2005.

Isa siya sa pinakamaimpluwensiyang pinuno ng 20th century at talaga namang hinangaan sa kanyang paraan ng pagsasabuhay ng Christian virtues.

Show comments