OFW singer seryoso kay Kris!
MANILA, Philippines - Matindi talaga ang tama ng OFW singer na si Clifford Allen Estrala kay Kris Aquino. Kung dati’y inalayan lang niya ito ng kantang Just A Smile Away sa You Tube at Facebook, ngayon ay ginawan na niya ito ng kanta na Tagalog version ng I Swear - Sumpa Ko. Ang nararamdaman niya kasi kay Kris ay parang isang panaginip na napupusuan niya.
“’Di ko alam bakit tumibok ang puso ko sa kanya?,” sambit ng binata.
“Kahit dalawa na ang anak niya, tatanggapin ko pa rin siya kasi siya talaga ang itinitibok ng puso ko,” deklara pa niya.
Bumalik na sa Macau si Clifford pagkatapos ng kanyang homecoming concert sa Metro Bar last March 27.
Sa mga hindi nakakaalam, na-feauture ang life story ni Clifford sa Maalaala Mo Kaya na ginampanan ni Erik Santos last year bilang isang OFW singer.
Anyway, sa Linggo ay kakanta siya sa Hacsa Beach, Macau. Inimbitahan siya ng Philippine Consulate para sa Filipino community sa nasabing lugar. Nakatakda rin siyang mag-perform sa May 22 and June 12 at 26 para sa selebrasyon ng Philippine Independence Day sa Macau.
Makulay ang buhay ni Clifford. Oct 28, 2007 nang magpunta siya sa Macau bilang turista dahil sa imbitasyon ng isang miyembro ng isang bansa roon. Napanood ng banda si Clifford na kumanta sa Puerto Galera at nagkaroon sila ng kontak dahil sa video sa youtube.
Hanggang makapagtrabaho siya sa sa Venetian Hotel Casion bilang housekeeping para lang magkaroon ng working visa.
Doon nagsimula ang lahat. Habang nasa housekeeping siya ng mamahaling hotel ay hindi niya kinalimutan ang pagkanta.
Si Clifford ay dating working student sa St. Louis College ng La Union as assistant secretary ng mga pari.
Balak umuwi ni Clifford sa ‘Pinas sa September para ayusin at simulan ang kanyang first album.
“Gusto ko pong maging ganap na recording artist para mapakinggan ng mga kababayan natin. Gusto ko rin mag-record ng kanta para kay Kris,” sey pa niya.
- Latest