Sabi ni Kylie Padilla, proud daddy si Robin Padilla nang malamang magbibida na siya sa TV remake ng Blusang Itim at pati ang inang si Liezel Sicangco ay masaya para sa kanya at galingan daw niya ang acting at ‘wag kalimutang magdasal.
Natawa lang kami sa kuwento ni Kylie na kaya umiyak siya ng husto sa audition dahil naka-relate siya sa karakter ni Jessa na hindi tanggap ng ina. Sobrang saya raw siya na sa rami nang nag-audition, sa kanya ibinigay ang project at nangakong gagalingan ang trabaho.
Bumili ng Tagalog-English dictionary si Kylie para mas madaling matuto ng Tagalog at this week, may acting workshop sila at storycon with direk Jay Altarejos. Next week, magti-taping na siya.
Ang alam ni Kylie, si Frank Magalona na kapatid nina Maxene, Saab at Elmo Magalona ang leading man niya sa Blusang Itim at sina Carl Guevarra at Wyn-Wyn Marquez ang kontrabida respectively.
Gagawin daw Franco ang name ni Frank na nag-graduate ng Fine Arts sa UP last April 15.
Ayaw pala ni Kylie sa isyung mas nauna siyang magbida kesa sa ate Queenie niya. “Walang ganun, ayaw kong banggiting mas nauna ako. We’re just both working. Mas nauna naman siyang nagka-movie,” sabi ni Kylie.
Kapatid ni Anne mas kamukha ni Jackie Rice
Mas kamukha ni Jackie Rice si Jasmine Curtis-Smith kesa ate niyang si Anne Curtis at nang una niyang marinig ito, she googled Jackie Rice’s name, pero hindi pa rin niya ito nakikita ng personal.
Last Monday, bumalik na sa Melbourne, Australia si Jasmine where she resides with her mom and younger brother at nag-aaral sa Loyola College.
Tinapos nito ang mga eksena niya rito sa Utol Kong Hoodlum at ang one week shoot sa Sydney na lang ang kukunan at ready for airing na ang series nila ni JC de Vera sa TV5.
First show ni Jasmine sa pinirmahan niyang three-year contract sa TV5 ang Utol Kong Hoodlum at masaya raw sa set dahil okey lahat ang mga kasama niya na kinabibilangan nina Jay Manalo, Regine Tolentino, Rainier Castillo, Dennis Padilla, IC Mendoza, Bella Flores, Empoy, Noel Trinidad, Flora Gasser at Ara Mina.
Hindi ipinapaalam ni Jasmine sa school na artista siya sa takot na ‘pag may hindi siya nagawang mabuti sa school ay isiping dahil nasa showbiz siya. Ayaw din niyang isipin ng classmates niya na hindi niya priority ang school, kaya close friends lang niya ang nakakaalam na artista siya rito at magiging dalawa na ang endorsements.
Nadia may patama : “Heartless, evil demonic … should be totally banned from holding a microphone n pen for life!”
Hindi nauubusan ng isyu sa Twitter at kasunod ng Aiko Melendez at Patrick Meneses na pinaputok ni Cristy Fermin sa Paparazzi last Sunday, may intriguing tweets si Nadia Montenegro na hinuhulaan kung para kanino.
Tweets ng Nadia, “Heartless, evil demonic … should be totally banned from holding a microphone n pen for life! Di na nagbago ugali. TRASHY B….” at sinundan ng “Paano ka nakakatulog sa gabi? Buti ‘di sumasakit tiyan ng pamilya mo sa pinanggagalingan ng pambili ng bigas n’yo. Matakot ka naman sa Diyos!”
Tiyak na sasagot sa ere at sa print ang pinatutungkulang ito ni Nadia na karugtong ng isyu kina Aiko at ex BF nito.