Ginanap noong isang linggo sa Boracay ang pre-nuptial shoot ng mag-asawang Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado para sa kanilang 25th wedding anniversary. Gagawin daw nila ito sa Maynila sa darating na May 28. “Sa America kami unang ikinasal and that’s what we’re celebrating. We want it special kasi bihira ‘yung showbiz marriages na nagla-last ng ganito katagal, and we are one of the few who are blessed,” nakangiting pahayag ni Rep. Lani.
Kuya Kim, may sariling hotel sa boracay!
Sa Boracay nag-Holy week si Kuya Kim Atienza kasama ang kanyang buong pamilya.
Maliban sa family bonding ay busy din daw si Kuya Kim sa pagtutok sa kanyang hotel business doon. “Mayroon akong maliit na hotel, it’s a ten-room hotel. Nabili ko, business na iyan with my Italian partner 1990’s pa. I was still single, I think it was 1993 or 1994 noong wala pang masyadong pumupunta sa Boracay. Ngayon talagang booming na ang Boracay. It’s one of the graces that God gave me,” kuwento ni Kuya Kim.
Ney Dimaculangan, may solo album sa Star Records
Kamakailan ay pumirma ng kontrata sa Star Records ang lead vocalist ng Six Cyclemind na si Ney Dimaculangan.
Ilo-launch na si Ney bilang solo artist at mayroon na rin siyang solo album ngayon. “My first solo album, mayroon siyang ten original songs na ginawa ko, produced by me, composed lahat,” maikling pahayag ni Ney.
Vhong at Toni parating magka-text!
Matagal na ring magkaibigan sina Vhong Navarro at Toni Gonzaga at talaga namang maganda ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Ngayon daw ay hindi na sila nakakapag-bonding masyado dahil mayroon na silang kanya-kanyang trabaho at bihira na ring magkita ang dalawa. “Ang totoo niyan, kahit hindi kami nagkikita ni Toni ay lagi ko siyang ka-text, minsan nga ginulat ko pa ‘yan sa sasakyan niya. Sakto palabas ako ng ABS nakita ko ‘yung sasakyan niya. Ang ginawa ko pumasok ako sa loob, tapos pagpasok niya ginulat ko siya, ayun natuwa naman siya tapos hinampas ako,” natatawang kuwento ni Vhong. Reports from JAMES C. CANTOS