Dennis hindi apektado sa banta ng ex
Dapat talaga may pasabugin si Jennylyn Mercado sa birthday niya kundi mababansagan siyang sinungaling. Sa halip na magsabi na lang kasi ng ‘‘no comment’’ sa naging hiwalayan nila ni Dennis Trillo, nangako pang may ihahayag bilang sagot niya sa mga nangyari sa kanila ng aktor. Tuloy naghihintay ang lahat.
Tama lang ang ginagawang pananahimik ni Dennis. Mababansagan siyang parang babae at hindi maginoo kapag nagsalita pa siya. At sana ituluy-tuloy na niya ito. Maikli lang naman ang memorya ng tao. Anumang bagay ang malaman nila, maganda man o pangit sa hinahangaan nilang artista, bukas lang ay limot na nila ito. I think Jennylyn and Dennis should start to move on and not dwell on the ugly things na pinagdaanan nila para mas mabilis ang healing process nilang dalawa.
* * *
Sana man lamang matuto na ring tanggapin ng Kimerald na magkatrabaho na lamang ang mga iniidolo nila. Kung sina Kim at Gerald ay parang naka-move on na, sana sila ring mga fans. Sa halip na punuin ang dibdib nila ng galit, maging masaya na sila sa pagkakataon na kahit hindi ang mga inidolo nila sa tunay na buhay ay maging sila pa rin sa screen, pelikula man o TV.
Pero huwag na silang mag-demand. And they should leave the personal lives of Kim and Gerald alone, huwag na silang makialam. Impresyon ko kasi, gusto nilang manenohin ang buhay ng dalawa, pati personal. Sa career lang po kayo puwedeng makiusap, makiusap lang sabi ko ha? Hindi mag-utos.
* * *
Si Mother Ricky Reyes (the beauty salon magnate) may epileptic eyes daw? Napaka-rare ng disease na ito at kokonti lang ang meron sa buong mundo. Sabi nga nila, Mother, you can’t have it all. Baka ito ang pambalanse ng maraming magagandang bagay sa buhay mo!
If you can bear it naman, hayaan mo na lang. Just be thankful na nagagamot ito at may kakayahan kang ipagamot. Basta hindi nakakamatay, okay lang, Mother. Isipin mo na lang ’yung magagandang blessings mo. Huwag ka nang mag-dwell sa kakaibang sakit mo, para hindi ka ma-stress. Kaya mo ’to. Tutulungan din kita sa dasal. It’s a beautiful life.
- Latest