PIK: Kinorek kami ng aming source sa ibinalita naming parehong nasa Discovery Shores sa Boracay naka-billet sina Jolo Revilla at Lovi Poe.
Ang pagkakaalam niya, nag-stay si Lovi sa bagong hotel na ipinatayo roon ni Gov. Chavit Singson.
Madalas lang daw si Lovi sa Discovery Shores dahil nandun ang mga kagrupo nito.
Ayaw ni Jolo i-share kung ano ang pinag-usapan nila ni Lovi.
Napapangiti lang ito at ayaw na niyang mag-comment. Basta nagkakamustahan lang sila at sandaling nagkuwentuhan.
Kuwento naman ng ilang nakasaksi, medyo tipsy na si Lovi nang magkaharap sila ni Jolo. Ipinakilala ito kay Solenn Heussaff.
Dapat ay lalabas sila nung gabing ’yun pero nabago ang plano dahil umiiwas sila sa maraming media na nakakalat doon sa Boracay.
PAK: Nakakaloka pala itong kilalang aktres na nag-invite ng mga reporters para mag-cover ng kanyang event sa isang lalawigan somewhere in the north.
Opening ’yun ng kanyang store doon at proud na proud siya sa sinimulang negosyo.
Pagkatapos ng interbyuhan, nagpaalam na ang mga reporters na babalik na sila ng Maynila dahil medyo may katagalan ang kanilang biyahe.
Pinigilan ng manager ni aktres na maghintay lang sandali dahil may ibibigay daw sila.
Naghintay naman ang press na nag-cover.
Palibhasa ay medyo may kabagalan kumilos itong si kilalang aktres, matagal-tagal din silang naghintay.
Finally, lumabas na rin si manager at nagbulong sa mga reporters na humihingi ng sorry dahil kinulang daw sila ng cash na pamasahe ng press. Okay lang daw ba kung tseke?
“Ah okay lang po walang problema,” sagot naman ng mga naimbitahang media.
Ilang sandali pa at bumalik na si manager bitbit ang tseke galing kay aktres bilang pabaon. Nakita ng mga reporters na post-dated ang tseke ng isang linggo pero okay pa rin sa kanila.
Pagdating ng takdang araw nang pag-deposito ng tseke, tumawag si manager sa mga reporters na kinulang ang pondo. Nakiusap na kung puwede ipasok na lang sa bangko kinabukasan.
Kinabukasan, idineposito na nila ang tseke at nag-text pa sila kay manager na idideposito na nila na kaagad naman sinagot ng manager na okay na.
Pagkalipas ng tatlong araw, nalaman na lang nila na tumalbog ang tsekeng idineposito at closed account ito.
Ipinaalam nila sa manager ng artista na tumalbog ang tsekeng ibinigay sa kanila.
“Sorry po” lang ang natanggap nilang sagot mula sa manager.
BOOM: Doreen Isabel ang napiling ipangalan nina Sunshine Dizon at Timothy Tan sa kanilang panganay na iniluwal ng aktres nung nakaraang linggo.
Excited ang buong pamilya sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya kaya pati ang daddy ni Sunshine na naninirahan sa Amerika ay dumating para makita ang kanyang apo.
Enjoy si Sunshine sa pag-alaga sa kanyang baby at personal niya itong inaalagaan at nagpapa-breast feed pa siya.