Kyla nagsukat na ng wedding gown

Talagang walang mapagsidlan ng kanyang happiness si Kyla sa kanyang nalalapit na wedding at sa labis niyang excitement naisukat na niya ang kanyang wedding gown na sa tradisyon nating mga Pinoy ay malas daw. Baka may mangya­ring masama na magiging sanhi ng hindi pagkatuloy ng kasal.

“Hindi naman ’yung aktuwal na gown ang isinukat ko kundi ’yun lang lining na magsisilbing kamison. Sumusunod din naman ako sa tradisyon, sa pamahiin na masama ang magsukat ng damit pangkasal kaya ’yung kamison na lang ang isinukat ko, para naman makasiguro ako na kakasya sa akin ito. Sa halip na ’yung buong gown ang isukat ko,” paliwanag ng R&B Princess.

Wala namang confirmation o denial na nagbuhat sa kanya tungkol sa ginanap na civil wedding nila ni Rich Alvarez sa Makati, sa tanggapan ni Mayor Jun-Jun Binay.

But then mahalaga pa ba ito eh ikakasal na sila? Kung gusto nila ng dala-dalawang kasalan, may makakapigil ba sa kanila?

***

Napakaganda at napakalaking tulong ang ipi­nag­kakaloob ng Eat Bulaga sa mga taong nagi­ging bahagi ng kanilang Juan For All, All For Juan seg­ment. Tulad nung isang pamilya na ang toilet ay nakabungad agad pagpasok pa lang ng bahay. Hindi lamang nila tinulungan ang pamilya na maipagawa ang kanilang bahay at maitago ang kanilang palikuran, binigyan din nila ito ng mapagsisimulang kabuhayan.

Gusto ko rin ’yung pamilya na ang ama ng tahanan ay may karamdaman at ang ina na lamang ang nagtataguyod ng pamilya. Ipinagagamot na nila ang ama binigyan pa sila ng kabuhayan at papag-aralin pa ang mga matatalinong anak nito na ang panganay ay nasa isang lungsod sa south at nakikipag-compete sa isang paligsahan. Tutulungan nila ito sa kanyang pag-aaral sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Ganitong uri ng suporta ang kaila­ngang maramdaman ng mga nangangailangang Pinoy. Pero ang tulong na pinansyal ay kailangang karapat-dapat sila. You don’t leave this to chance, you have to work for it. You have to earn it. Sa ganitong paraan lamang puwedeng magsikap ang lahat para maging mas mabuting nilalang ng Diyos. Na ang pagiging mabuti ay may kalakip na gantimpala.

***

Bago ang lahat, happy easter! Naging makabuluhan ba ang observance n’yo ng Holy Week? Sa palagay n’yo ba you’re a better person now? Matutuwa na ba ang Diyos sa iyo ngayon?

Isa sa makakapagpasaya sa Kanya ng husto ay ang makita niyang nagkakaisa, nagmamahalan, at nagtutulungan  ang lahat niyang nilikha, hindi lamang sa oras ng emergency, delubyo, trahedya, kundi sa lahat ng oras.

Show comments