Hot Tub Time machine babalikan ang nakaraan
MANILA, Philippines - Gusto mo bang balikan ang nakaraan kung saan si Michael Jackson ay buhay pa at cassette tape recorder ang usong teknolohiya sa musika?
Puwes, samahan natin ang apat na sikat — sina John Cusack, Rob Corddry, Craig Robinson at Clark Duke — sa kanilang pinakakuwelang pagganap sa pelikulang Hot Tub Time Machine. Ngayo’y nasa orihinal na video, ito ay merong unrated version na may mga eksenang hindi napanood sa sinehan.
Ipinrodyus ng Metro-Goldwyn-Mayer Pictures at United Artists, ang Hot Tub Time Machine ay istorya ng mga magkakaibigang nasa kasalukuyang panahon. Nagkasundo silang mag-weekend sa paboritong ski resort upang magpakaligaya nang walang humpay. Pagdating doon, nagsimula agad ang kakaiba nilang karanasan. Dahil sa ininom na Russian energy soda, ang hut tub ay naging time machine na nagdala sa kanila sa 1986! Hindi alam ang gagawin, isang misteryosong lalaki ang nagpayo sa dapat maging maingat sa kanilang ikikilos. Sa konting pagkakamali, maaari silang mamatay o hindi na makabalik sa pinanggalingan.
Mula sa C-Interactive Digital Entertainment, ang Hot Tub Time Machine sa VCD at DVD ay mabibili sa Astrovision, Astroplus, Odyssey Music & Video, Video City, National Book Store, at Fully Booked.
- Latest