Hindi naman porke nag-a-out of town ang mga artista ay hindi na sila nag-o-observe ng Holy Week.
Ang nangyayari, sinasamantala lang nila ang panahon para makapagpahinga, pero hindi ibig sabihin, wala na silang respeto sa panahon.
‘Yun nga lang, dahil wala silang choice kung kelan nila gustong magpahinga, and Holy Week is one opportune moment, kaya namamasyal sila, nag-a-outing at nagbabakasyon.
Ilan sa mga artista na nag-decide na magbakasyon ay si Charlene Gonzales. Kasama ang kanyang pamilya, kasalukuyang nasa rest house nila ito sa Batangas at doon na sila magpapalipas ng Mahal na Araw. Babalik na lamang ito ng Linggo in time for The Buzz.
Marami pang celebs ang nag-decide pumunta ng mga resorts tulad ng Boracay, Punta Baluarte at ilan pang puntahing lugar na kung saan puwede naman silang magnilay-nilay, magsimba at mag-Visita Iglesia. Hindi naman limitado sa Kamaynilaan ang pagiging sagrado ng Holy Week at ang observance nito.
Hindi lang ako kumporme sa maiingay na observance ng Holy Week, lalo na sa mga lugar na may mga bandang tumutugtog. Especially on the last three days before Easter. Makaluma pa rin ako pagdating sa obervance ng Holy Week.
* * *
Kung hindi pa namatay si AJ Perez, hindi pa makikilala ng lahat ang itinatago niyang girlfriend na nagngangalang Stef Ayson. Para sa career ni AJ ay kinailangang maging lihim ang kanilang relasyon. Kung hindi lamang sa labis na pag-iyak nito sa burol ni AJ, hindi pa siya mapagtutuunan ng pansin ng marami. Sinabi ng ama ni AJ na GF nga ito ng anak nila, pinaka-matagal na naging GF nito.
Marami ang nagtaka na makita si Kuya Germs sa burol ng isang Kapamilya actor. Napag-alaman na kaibigang matalik pala ng namatay ang kanyang panganay na apo, si Jorel, isa ring La Sallite.
* * *
Napaka-challenging ng bagong assignment na ibinigay ng ABS-CBN kay Xyriel Manabat. Gagampanan niya ang role ng isang adult (Coney Reyes) na namatay pero ayaw tanggapin sa langit dahil nung nabubuhay pa ito ay hindi naging mabait na tao. Humiling ito ng pangalawang pagkakataon para mailagay ang lahat sa ayos. Pinagbigyan siya ng langit, pero pinababa siya bilang isang bata.
Seven years old lang si Xyriel. Makaya kaya niya ang role sa 100 Days to Heaven?