Reyna ng Aliwan Cebuana na naman

MANILA, Philippines - Nakamit ni Rogelie Catacutan, kinatawan ng Sinulog Festival, ang ikatlong sunod na korona para sa Cebu bilang Reyna ng Aliwan Fiesta. Dati nang nagwagi sina Sian Elizabeth Maynard nooong 2009 at si Rizzini Gomez noong 2010. Si Christine Kate Adi ng Baguio ang pumangalawa na sinundan naman nina Dominique Braun ng Zarraga, Iloilo, Bernadette Chiu ng Bulacan, at Jeremy Jane Evans ng Santiago, Isabela sa hanay ng mga nagwagi. 

Nakuha rin ni Catacutan ang parangal bilang Best in Evening gown, samantalang si Adi ang Best in Swimsuit, at si Braun ang Best in Talent.   Idineklarang Best in Festival Costume naman si Samantha Amparo ng Iloilo City.  

Show comments