Kamakailan ay napabalitang na-ambush daw si Governor Vilma Santos habang lulan ng kanyang sasakyan.
Agad nilinaw ni Luis Manzano sa E-Live ang isyu at sinabing staff ng kanyang ina ang sinasabing nasawi sa nasabing ambush.
Noong Sabado ay nag-guest si Ate Vi kasama pa ang bunsong anak na si Ryan Christian sa E-Live para sa special birthday celebration ni Luis. Pagkatapos ng show ay amin siyang pinuntahan para makapanayam tungkol sa isyu. “Masyado namang na-exag ‘yung news na akala kasama ako, security ko. Hindi po, empleyado ko si Cesar, ng kapitolyo namin. Ganoon ho talaga ata, I guess ito ‘yung mga dapat naming tanggapin kung sabihin ninyong nakakatakot, totoo naman, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ko itutuloy ang tiwalang ibinigay sa amin ng mga Batangueño. So my job is not easy, but the fulfillment is ‘yung paniniwala nilang meron akong magagawa for Batangueño. ‘Yun na lang ang pinanghahawakan ko and prayers, everytime I leave the house, but I thank you, marami ang tumawag, talagang nagmalasakit na ano ba ang nangyari, maraming salamat po, kung meron man akong hihilingin, prayers lang for guidance,” nakangiting pahayag ni Governor Vi.
Samantala, matunog naman ang balita ngayon na matutuloy na raw ang pelikulang pagsasamahan nina Megastar Sharon Cuneta at ni Ate Vi kaya siguradong ngayon pa lamang ay excited na ang Vilmanians at Sharonians. “Excited din ako! Shawie, baka matuloy na tayo, I’m excited! I’m very very excited! Sana, sana ho, nasa planning stage but kung matutuloy, kung excited si Shawie ay excited na excited din ako na makagawa kami ng movie together. Alam ng mga Batangueño, I owe it to the public too, maybe one movie a year will be fine,” dagdag pa ng star for all seasons.
Phil Younghusband, may ibubuga rin sa tennis
May mga fans na nagtatanong kay Phil Younghusband kung ano pa ang iba niyang hilig na ginagawa bukod sa paglalaro ng Football. Ang alam kasi ng karamihan ay wala nang ibang inaatupag si Phil kundi ang Football. “Kapag walang training gusto kong maglaro ng tennis. Gusto kong mag-swim kasama ‘yung kapatid ko na babae, nine years old siya, gusto ko to spend time with her,” pahayag ni Phil.
Marami rin daw ang nagkukumpara sa kanila ni James na kanyang kapatid at kasamahan din sa kanilang team na Azkals.
Sino nga ba ang mas magaling sa kanilang magkapatid? “Siyempre ako! Charot! Charot! Kasi talented kami sa iba’t ibang activities, kasi mas magaling ako kay James sa Tennis. Si James mas magaling siya sa akin sa drawing, sa art. Meron kaming iba’t ibang strengths, iba’t ibang weaknesses,” nakangiting sagot pa ng Football heartthrob. Reports from JAMES C. CANTOS