MANILA, Philippines - Humanda sa kakila-kilabot na katotohanang matutuklasan sa pelikulang The Last Exorcism. Mula sa C-Interactive Digital Entertainment, ang orihinal na video nito ay nagtatampok sa makapanindig-balahibong footages ng aktuwal na exorcism at panayam sa mga biktima.
Pinuri ng mga kritiko at isa sa pinakamatagumpay na mga pelikulang kauri nito, ang The Last Excorcism ay istorya ng charistmatic preacher na si Reverend Cotton Marcus na nagsiwalat ng lahat tungkol sa kanyang trabaho. Detalyado niyang naidokyumento ang mga pakikisalamuha niya sa mga panatiko ng rehiyon o kulto at pakikipaglaban sa mga mapanganib na ispiritu. Sa huli niyang exorcism, kailangan niyang iligtas ang buhay ng isang tinedyer. At dito’y nasubukan ang hangganan ng kanyang pananampalataya.
Ipinorodyus ng Strike Entertainment at Studio Canal, ang The Last Exorcism ay mabibili sa halagang P275 (VCD) at P750 (DVD) sa Astrovision, Astroplus, Odyssey Music & Video, O Music, Fully Booked, at maaari ring rentahan sa Video City.