^

PSN Showbiz

Maja naghahabol kay Matteo!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Balak ni Robin Padilla na sumulat sa Vatican para klaruhin kung bakit ayaw silang payagang makasal ni Mariel Rodriguez. Katuwiran nito, matagal na napawalang bisa ang kasal nila ng ina ng kanyang mga anak na si Liezel Sicangco. Annulled na sila!

Nabasa ko naman minsan na hindi naman ito ang tinututulan ng simbahan kundi ang kanyang paniniwalang may karapatan siyang magkaroon ng higit pa sa isang asawa na paniniwala ng maraming may tulad niyang relihiyon.

Wala naman sigurong masama na klaruhin niya ito sa Papa. Mapatutunayan naman niya na sa kabila ng kanyang pagiging isang Muslim ay nanatili siyang tapat sa iisang asawa sa panahong sila ay mag-asawa pa ni Liezel.

Nakakainggit talaga si Mariel. Handang ipakipag­laban ni Binoe ang pag-ibig nito sa kanya. Kasal na naman sila kung tutuusin pero pakakasalan pa rin siya nito sa simbahan dahil isang Katoliko si Mariel at ito ang alam niyang gustong makita ng pamilya nito.

*   *   *

Kahit namatay na si AJ Perez, tanggapin niya ang aking papuri dahil sa pagiging isang mabuting anak, huwarang ehemplo ng mga kabataan at isang mabuting kaibigan. Pinapa­purihan ko rin ang kanyang mga magulang sa napakaganda nilang gesture na pagdo-donate ng mga mata nito kay Fatima Soriano. Ito ‘yung batang nagbubukas at nagsara ng programa ni Ted Failon at Pinky Webb sa radyo.

Nakikiramay ako sa kanilang pangungulila. Isa itong sitwasyon na alam kung hndi ko kakayanin kapag nangyari sa akin kaya pinapapurihan ko sila at sana mas tumatag pa sila dahil kalooban na ito ng Panginoon. Kahit sasandali si AJ sa piling nila, walang kahalili na ligaya ang ibinigay nito sa kanila. Ngayon, sa langit naman ito magpapasaya, kasama ang Panginoon at ang kanyang mga anghel.

*   *   *

Kung si KC Concepcion ay sinundan si Piolo Pas­cual na kasama sa Star Magic US Tour Concert, malungkot naman si Maja Salvador na kasama rin sa nasabing concert tour dahil hindi natupad ang inaasahan niyang pagsunod sa kanya ni Matteo Guidicelli. Paano naman ang daming trabaho nito rito, halos hindi na ito makahinga.

Mukhang sa relasyon ng dalawa ngayon at sa takbo ng karera ng car racer, si Maja pa ang maghahabol dito. Ito naman ay kung papayagan si Matteo ng mga humahawak ng kanyang career na  mais­torbo sa karera nito sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Maja.

FATIMA SORIANO

KAHIT

LIEZEL SICANGCO

MAJA

MAJA SALVADOR

MARIEL

NAMAN

NITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with