Nabasa namin ang tweet ni Roxy Liquigan ng Star Cinema na pinagkaguluhan si Vic Sotto sa backstage ng ASAP Rocks last Sunday. Guest ang TV host-comedian para i-promote ang Pak! Pak! My Dr. Kwak na showing sa April 23, Black Saturday.
Mula sa artista, staff, at crew ay gustong magpakuha ng litrato kasama si Vic at nanghinayang ang wala sa ABS-CBN that time dahil wala silang chance na makita in person si Vic at makapagpakuha ng litrato.
* * *
Hindi lang pala si Paulo Avelino ang nawala sa cast ng Temptation Island dahil pati si Joem Bascon ay out na rin sa nasabing pelikula. Magkaiba lang ang rason nang pagkaalis ng dalawa sa cast nang nabanggit na pelikula.
Si Paulo ay naalis dahil nagkasakit ng pneumonia at ito mismo ang nagsabi na alisin siya dahil hindi niya kaya ang shooting. Pati si Solenn Heussaff na makaka-pareha niya sana sa movie ay nalungkot. Si Mikael Daez ang pumalit kay Paulo.
Si Joem naman ay inalis dahil hindi sumipot sa pictorial at hindi sinabi ang rason. May kinalaman kaya na sa GMA Network studio ginawa ang pictorial dahil ABS-CBN talent siya?
* * *
Isa kami sa press people na na-e-mail ng mga fans ni Jennylyn Mercado at nagpapatulong na iparating sa GMA Network ang request nilang bigyan ng bagong soap si Jennylyn. Matagal na raw tapos ang Little Star at sa Party Pilipinas na lang siya napapanood at minsan ay absent pa, kaya miss na miss nila.
Kasunod na request ng supporters na primetime soap ang ibigay sa kanya dahil lagi na lang sa afternoon soap siya inilalagay na hindi napapanood ng fans niya na may mga trabaho at pumapasok sa school.
Marami nang na-prove si Jennylyn para balewalain ng GMA 7, nagre-rate ang shows nito, magaling siyang artista at loyal sa network, bagay na dapat nakikita ng mga taga-GMA 7.
* * *
Dapat pala, kasama si Jillian Ward sa Panday 2, pero bago pa sabihin ng Imus Productions at GMA Films na kasama siya sa entry sa 2011 Metro Manila Film Festival, nakapirma na ang parents ng bagets sa Regal Films para sa Aswang.
Isa sa entry ng Regal Films sa MMFF ang Aswang na pagbibidahan nina Carla Abellana at Dennis Trillo, at hindi na puwedeng mabawi ang pinirmahang kontrata ng parents ng child star. Ang Regal Films din ang unang nagpadala ng script at maganda raw ang role na gagampanan ni Jillian.