Pia Guanio ikakasal na?!

MANILA, Philippines - Nasaan kaya si Pia Pilapil, anak ng pinagsasaksak na si Pilar Pilapil? Parang wala akong nababasa or napapanood tungkol sa kanya?

Wala pa ring malinaw na balita tungkol sa pananaksak sa beteranang aktres or kung sino ang mga suspek kahit may sinasabi naman ang mga pulis pero mabagal pa rin ang development.

*   *   *

Kapapanood ko pa lang kay Fatima Soriano sa The Bottomline ni Tito Boy Abunda last Saturday night. Si Fatima ang alagang miracle child ni Father Jerry Orbos na ngayon nga ay napili ng pamilya nang namayapang aktor na si AJ Perez na pagkalooban ng cornea para naman makakita uli.

Kahit ipinanganak na bulag si Fatima, ang ganda ng attitude niya. Walang kahit konting bitterness na nararamdaman sa kanya sa ginawang interview ni Tito Boy.

Super idol ni Fatima si Justin Bieber kaya manonood ito ng concert. Nang tanungin siya ni Tito Boy paano kung hindi kilala ni Justin si Mama Mary, panonoorin pa rin ba niya ito?

Yes ang sagot ni Fatima, ipagdarasal na lang daw niya ito na makilala si Mama Mary.

Kaaliw samantalang hindi pa niya nakikita si Justin.

Sana nga pumuwede ang cornea ni AJ kay Fatima na isang Marian devotee.

*   *   *

Totoo kayang ikakasal na si Pia Guanio? Yup, isang source ang nakarinig ng tsikahan tungkol sa umano’y planong pagpapakasal ni Pia sa kanyang non-showbiz boyfriend. Ayon pa sa isang friend ko, namanhikan na raw ang neighbor-boyfriend ng TV host.

Never pang nagsalita si Pia tungkol sa relasyon niya sa nasabing non-showbiz guy at kamakailan lang nakumpirma na hiwalay na sila ni Vic Sotto.

Show comments