Marian reynang-reyna kay Sen. Bong

Kung parang reyna ang trato ni Ro­bin Padilla sa mga nagiging leading ladies, ganoon din si Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang leading lady ngayon na si Ma­rian Rivera sa Panday (Ikalawang Aklat).

Ayon kay Marian, isang malaking karangalan na makasama niya si Bong sa pelikula at alaga siya nito mula sa pagkain hanggang sa dressing room.

Hindi isyu sa aktres kung may kissing scenes sila ng leading man dahil bahagi lang ito ng trabaho. Sabi nga nito, tiyak na aabangan ang romansa nila ng se­nator-actor.

Ang Panday (Ikalawang Aklat) ay entry ng Imus Productions sa darating na Metro Manila Film Festival.

Baka may entry din ang boyfried ni Marian na si Dingdong Dantes sa dara­ting na Disyembre. Ayon pa sa aktres, ka­pag natuloy ang project nina Dingdong at Kris Aquino, magbabanggaan ang movie nila.

‘‘Pero masaya ako kapag natuloy ang project nina Dong at Kris,” say pa ni Marian.

“Propesyonal naman kaming pareho ni Dong at hindi ito isyu sa amin.’’

* * *

Ang SM Cinema ang pinakamalaking cinema exhibitor sa bansa sa kasalukuyan, operating 226 cinemas sa 39 SM malls nationwide. Lalo pang lumago ang SM Cinema dahil magkakaroon pa ng dalawang IMAX theaters — isa sa SM Southmall at isa sa SM Clark.

Nagkaroon din ng SM Digital Theaters, ang u­nang true digital cinema sa Philippines at binuksan sa publiko noong Nov. 14, 2007 sa The Block SM City, na ang unang ipinalabas ay ang Beowulf (3D).

Show comments