Nakakahinayang naman kung totoong kinitil ni King of Pop Michael Jackson ang sarili niyang buhay dahil lamang sa problema niya sa pera.
Sa kanyang katayuan, ang dali-daling kumita ng pera.
Noong una, ibinintang ang kamatayan ng popular na singer sa kapabayaan ng kanyang doctor pero sa isang recent hearing, lumitaw bilang depensa ng suspect ang posibilidad ng suicide?
Hindi kapani-paniwala hindi ba? Lalo na sa katayuan ni Jackson nung nabubuhay pa siya na isang konsiyerto lamang niya ay maari na siyang kumita ng milyun-milyon.
* * *
O, tingnan mo na lamang, hindi lamang isang album ang ilalabas ng Viva para sa artist nilang si Anne Curtis, ipagpo-prodyus din nila ito ng concert. Yes, isang concert!
Hindi lamang ito isang malaking achievement para sa isang non-singer na tulad ni Anne, isa rin itong mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Lahat naman ay nakakaalam ng kanyang obsesyon na maging isang singer at kung ilalagay niya ang kanyang puso’t isipan sa pagkanta, magagawa rin niya tulad ng ipinamamalas niyang husay sa pagganap ngayon.
Open si Anne na subukan kung saan siya dadalhin ng kanyang obsesyon sa pagkanta. Hindi naman siya basta sasabak na lamang. Siyempre, paghahandaan niya ang pagiging singer.