You would probably think na si Ruffa Gutierrez pa ang magiging mas excited ma-annul ang marriage nila ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas pero sa nagiging takbo ng pangyayari ngayon, ang mayamang Turko na at ama ng dalawang prinsesa ng ex Miss World Princess na sina Lorin at Venice ang atat na atat na ma-grant ng annulment sa kanyang equally famous ex wife.
Bago ang kanilang annulment case, nung 2007 pa hiwalay ang dalawa.
Gusto nang makawala ni Ruffa sa tanikala na nag-uugnay sa kanila ng dati niyang asawa.
* * *
Tama ‘yung hindi na rin patulan ni Jennylyn Mercado ang isyu sa kanila ni Dennis Trillo. Mas mapapadali pa ang healing process niya kung magku-concentrate na lang siya sa promosyon ng birthday concert niya sa May 7 sa Zirkoh Morato. Madali lang naman ito, since marami siyang pinagkakaabalahan tulad ng pag-aaral ng pagluluto, muay thai at jujitsu. Dito lamang plus her taking care of her son will eat up all her time.
Kapag nag-dwell siya sa mga nakaraan nila ni Dennis at sa pagsagot sa pangungulit ng press, mas magtatagal pa bago siya makalimot. Mas mabuti na to keep everything to herself. Ito man lang ay matutunan niya kay Dennis na kahit anong pilit ay hindi nagsasalita ng tungkol sa nangyari sa kanila.
* * *
Interesting at talagang inaabangan ang mga paputok ng Showbiz Central ngayong hapon. Tulad ng ‘napaka-habang’ buhok na si Louise delos Reyes na pinag-aagawan ng kanyang leading man na sina Alden Richards at ng manliligaw niyang si Enzo Pineda.
Bakit nababalitang nagpakasal na raw ng lihim ang magdyowang Kyla at Rich Alvarez gayung wala namang pipigil kung inopen nila ito?
May nakapagtataka ba sa pagbili ni Kris Bernal ng kotseng worth more than a million, eh pinagtrabahuhan naman niya ito? Pero hindi ba siya natatakot na usung-uso ang karnapan ngayon at baka ma-target siya ng mga carnappers?