Lani Mercado laging basa sa taping

PIK: Nagulat ang dating Sexbomb dancer na si Aifah Medina sa intrigang nakita sila ni Derek Ramsay na magkasama sa Tondo, Manila kamakailan.

“Hindi ko nga siya nakilala ng personal. Never ko pa siyang nakita sa tanang buhay ko. Baka kamukha ko lang ’yun,” natatawang sagot nito nang na-corner ito ng Startalk sa isang party kamakalawa.

Ayon kay Aifah, may bahay ang magulang niya sa Tondo pero hindi na siya nakatira roon. Dumadalaw lang siya paminsan-minsan pero never pa silang nagkita roon ng hunk actor.

Nagtataka siya kung saan nanggaling ang ganung intriga dahil sumabay pa ito sa intrigang break na sina Derek at Angelica Panganiban.

May non-showbiz boyfriend ang dancer at hindi si Ervic Vijandre ’yun.

PAK: Galit si young actress sa dating boyfriend na young actor dahil sa kuma­lat na kuwentong kinukulit niya ito pagkatapos niyang makipag-break sa ex boyfriend.

Hindi naman siya ganun at alam naman niyang may girlfriend ang young actor kaya bakit naman siya eeksena?

Nasa hurting stage pa rin siya ngayon kaya pakiusap niya na sana, tigilan na ang mga ganung paninira.

BOOM: Kahit puno ang schedule, naisingit pa rin ni Cong. Lani Mercado ang pag-celebrate ng kanyang kaarawan kamakalawa ng hapon.

Nagkaroon siya ng free concert sa Bacoor, Cavite at wish niyang matuloy na ang cityhood ng Bacoor.

Bukod sa paghahanda ng wedding special nila ni Sen. Bong Revilla, Jr. para sa celebration ng kanilang 25th anniversary, abala rin si Lani sa taping ng Amaya pero wala pa silang eksena ni Marian Rivera.

Naloloka lang si Lani dahil parang isang ma-laking pelikula raw ang kanilang ginagawa.

Walang ginagawa sa kanya sa Amaya kundi basain, patuyuin, at basain uli.

“’Yung unang araw ko talaga basa, tuyo, basa, tuyo.

“Sa dagat ako na kasama ko ’yung ibang ta­lents. It was very, very difficult dahil hanggang alas-dos ng umaga ay binabasa pa ako sa karagatan at ganun din ’yung ikalawang araw. Hahaha!

“Simula ng araw ko na binabasa ako sa ilog at nagtapos din siya na binabasa pa rin ako sa ilog,” natatawang kuwento sa amin ng actress-politician.

Show comments