May mga nababasa na naman akong mga columns na tumatalakay sa naging pagtatampo ko kay Shalala. Matagal na ito, noon pa, lumang isyu na. Bakit inilalabas pa na parang ngayon lang ito?
Wala na ba akong gagawin kundi ang magtampo sa kanya? In fairness, happy na ako sa nangyayari sa kanya. Ito ang kapalaran niya. Hindi ako magpapaka-plastik na sabihing okay lang sa akin na iwan niya sa ere. Naapektuhan din ako, pero noon pa ito.
Naka-move on na ako. I’m sure kung magagawan niya ng paraan ay hindi naman niya ako iiwan.
Naisip ko na lang na baka dahil nasa radio na rin siya ng Singko kaya bawal na sa kanya ang lumabas sa radio ng Siete. Nakita ko rin naman na nag-effort siya na bumalik-balik sa radio ko pero talaga sigurong hindi na puwede.
Okay lang Shalala, sana lang hindi mo makalimutang lumingon sa pinanggalingan mo. At kapag nagkita tayo sa labas, batiin mo man lang ako.
Minsan kasi nagkita tayo pero, dinedma mo ako.
* * *
Binabati ko ang isa sa pinaka-hinahangaan kong lalaki at musical artist na si Jose Mari Chan. Lahat ng mga special presentations ng mga naging palabas ko sa GMA noon at magpahanggang ngayon sa Walang Tulugan, palaging kasama siya. Never itong tumanggi sa mga naging imbitasyon ko, basta wala siyang unang natanguan at naririto siya sa bansa.
Isang magandang tribute ang ipinagkaloob sa kanya ng isang popular na foreign group, ang Manhattan Transfer at ang music producer na si Yaron Gershovsky sa pamamagitan ng isang collector’s album na pinamagatang The Manhattan Connection: The Songs of Jose Mari Chan.
* * *
Ano kaya ang reaksiyon ni Kris Aquino sa pahayag ng isang sikat na international singer na sikat din sa You Tube at Facebook na super crush siya nito at sasali ito ng Pilipinas Got Talent para lang makilala siya?
As if naman puwede siya sa PGT gayung hindi naman siya Pinoy at hindi residente ng ‘Pinas.
I’m sure aware na si presidential sister sa kanya. At sa pagbabalik niya ng bansa sa September para gumawa ng album, pansinin kaya siya ni Kris?
Gusto ko itong abangan.